Bulag, Pipi at Bingi

Sa bawat yugto ng buhay

  • Sa bawat yugto ng buhay
  • May wasto at may mali
  • Sa bawat nilalang ay may bulag
  • May pipi at may bingi
  • Madilim ang 'yong paligid
  • Hating gabing walang hanggan
  • Anyo at kulay ng mundo
  • Sa 'yo'y pinagkaitan
  • H'wag mabahala kaibigan
  • Isinilang ka mang ganyan
  • Isang bulag sa kamunduhan
  • Ligtas ka sa kasalanan
  • 'Di nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo
  • Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo
  • 'Di makita 'di madinig minsa'y nauutal
  • Patungo sa hinahangad na buhay na banal
  • Ibigin mo mang umawit
  • Hindi mo makuhang gawin
  • Sigaw ng puso't damdamin
  • Wala sa 'yong pumapansin
  • Sampung daliri kaibigan
  • D'yan ka nila pakikinggan
  • Pipi ka man nang isinilang
  • Dakila ka sa sinuman
  • 'Di nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo
  • Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo
  • 'Di makita 'di madinig minsa'y nauutal
  • Patungo sa hinahangad na buhay na banal
  • Ano sa 'yo ang musika
  • Sa 'yo ba'y mahalaga
  • Matahimik mong paligid
  • Awitan ay 'di madinig
  • Mapalad ka o kaibigan
  • Napakaingay ng mundo
  • Sa isang binging katulad mo
  • Walang daing walang gulo
  • 'Di nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo
  • Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo
  • 'Di makita 'di madinig minsa'y nauutal
  • Patungo sa hinahangad na buhay na banal
  • 'Di makita 'di madinig minsa'y nauutal
  • Patungo sa hinahangad na buhay na banal
00:00
-00:00
查看作品详情
Let's listen to my solo!

35 2 3505

2024-11-11 21:06 samsungSM-A127F

礼物榜

累计: 0 5

评论 2

  • Karen Penales 2024-11-21 21:51

    superb. I just found double-tap could like the post 😍😊😊😊

  • Gracie Geronimo 2024-11-21 22:56

    seriously better than the original version