kung alam mo lang

Kung alam mo lang ang tunay kong nadarama sayo

  • Kung alam mo lang ang tunay kong nadarama sayo
  • Nais kong malaman mong ikaw lang ang iniibig ko
  • Sana pag nalaman mo mahalin mo rin ako
  • Kung alam mo lang ang pag ibig kong ito
  • Kung alam mo lang
  • Di ko malaman kung pano ko ba sasabihin sayo na mahal na kita
  • Na tiyak ko na nga ang nadarama ko katulad ng ibigin ng aking ama
  • Ang aking ina at dahil doon sila ay nagkaroon ng anak na walo
  • Pang ikapito isinilang ako ang dalangin ko sana ay para sayo
  • Ang kapanganakan ko at kapalaran ko sana maging tayo ngang dalawa
  • Isa sa mga bagay kung bakit isinilang ako para pakasalan ka
  • Paglingkuran ka alayan ang pagmamahal na tanging sayo lang nilaan
  • Hayaan mo na awitan ka habang suot ko ang bagong damit kong nilabhan
  • At may dala pa kong mga bulaklak pero sana naman walang humalakhak
  • Pakinggan mo lang sanang awitin kong ito di mo na kailangan na pumalakpak
  • Makita ka lamang na nakangiti habang nakatingin sa king mga mata
  • Napapalundag ang puso kong ito papalakpak pati aking mga paa
  • Mahal na kita at yan ang mga salitang nais ko sanang ipaabot
  • Handang ibaba ang mga bituin wag mo lamang sana sakin ipagdamot
  • Ang pagibig mo na walang katumbas kahit na anumang kayaman sa lupa
  • Makasama ka lang kahit anung pagsubok ay handa ko nang makasagupa
  • Kung alam mo lang ang tunay kong nadarama sayo
  • Nais kong malaman mong ikaw lang ang iniibig ko
  • Sana pag nalaman mo mahalin mo rin ako
  • Kung alam mo lang ang pag ibig kong ito
  • Kung alam mo lang
  • At tuloy ko na ngang itinatago ang laman ng aking puso
  • Pinipilit ko na wag sabihin kahit pa na maging tuso
  • Ang kamay sa katuturo kung saan ang direksyon
  • Para lang masabe ko sayo ang aking reaksyon
  • Binubulong na lang sa hangin ang itulak ng bibig
  • Kahit na anung mangyari may kaba sa king dibdib
  • Sapagkat kapag kasama ka walang hanggan aking ligaya
  • At kasabay ng paglunok kapag ikay aking kasama
  • Dahil hindi ko na nga masabe ang aking nadarama
  • Ang pagibig ko para sayo hindi mapadama
  • Natatakot na sabihin na gusto kang mahalin
  • Baka kase kapag nalaman mo ako ay sampalin
  • At sabihin mo sa akin na hindi kita mahal
  • Patawarin mo na lang kung ako may naging hangal
  • Labis kang minamahal ay yan ay kung alam mo lang
  • Sanay ipagpatawad mo dahil akoy mahirap lang
  • Kung alam mo lang ang tunay kong nadarama sayo
  • Nais kong malaman mong ikaw lang ang iniibig ko
  • Sana pag nalaman mo mahalin mo rin ako
  • Kung alam mo lang ang pag ibig kong ito
  • Kung alam mo lang
  • Kung kaya ko lang abutin ang mga bituin matagal ko nang binigay to
  • Sa isang babae na siyang dahilan kung bat nagawa kong awiting ito
  • Para lamang sayo kung bawat oras at panahon gusto ko lamang ikay katabe
  • Abutin man ng magdamag umaga tanghali hapon man o mapagabe
  • Walang tulugan noon pa mahal na kita di mo pa ba natutunugan
  • Sa puso ko ikaw ang laman at niregaluhan ko ng bagay na di hulugan
  • Mula paanan sayo ko nakita gusto kong ugaling wala sa iba
  • Maganda na ang katawan pati kalooban kung alam mo mahal na kita
  • Handa na ko sumunod sa mga gusto mo alpinin mo man o ano
  • Handa ko na rin ibigay ang lahat maliban sa ngipin at katawan ko
  • At para naman makita mo kung gano kita kamahal at wala ng iba
  • Handa kitang pakasalan sa mga simbahan kahit pari pa natin lima
  • Basta marinig ko lang na ako lang wala ng iba ang yong mamahalin
  • Lahat ng sakin iyong iyo ay sakin ang ina ko ina mo na rin
  • Kung alam mo lang kung ano ang nadarama ko pag ikaw ay aking katabe
  • Lubos na ang aking saya pag kasama kita pag wala ka di mapakali
  • Kung alam mo lang ang tunay kong nadarama sayo
  • Nais kong malaman mong ikaw lang ang iniibig ko
  • Sana pag nalaman mo mahalin mo rin ako
  • Kung alam mo lang ang pag ibig kong ito
  • Kung alam mo lang
  • Kung alam mo lang ang tunay kong nadarama sayo
  • Nais kong malaman mong ikaw lang ang iniibig ko
  • Sana pag nalaman mo mahalin mo rin ako
  • Kung alam mo lang ang pag ibig kong ito
  • Kung alam mo lang
00:00
-00:00
View song details
Let's listen to my solo!

37 6 4164

2024-11-26 10:59 XiaomiM2103K19G

Gifts

Total: 0 5

Comments 6