Iisang Bangka

Kay dilim at kay ginaw sa kalawakan ng dagat

  • Kay dilim at kay ginaw sa kalawakan ng dagat
  • Ubod lakas kung humiyaw ang galit na hanging habagat
  • Ngunit buo ang puso mo'ng ang daluyong ay susugurin
  • Magkasama tayong katahimika'y hahanapin
  • Saan ang tungo mo mahal ko'ng kaibigan
  • Saan sasadyain hanap mo'ng katahimikan
  • Basta't tayo'y magkasama laging sasabayan kita
  • Pinagsamaha'y nasa puso kaibigan kabarkada
  • Iharap natin ang layag sa umaawit na hangin
  • Kapitbisig tayong ang gabi ay hahawiin
  • Dahon ng damo tangay ng hangin
  • At di mo matanaw kung saan ka dadalhin
  • Ngunit kasama mo ako nakabigkis sa puso mo
  • Daluyong ng dagat ang tatawirin natin
  • Saan ang tungo mo mahal ko'ng kaibigan
  • Saan sasadyain hanap mo'ng katahimikan
  • Basta't tayo'y magkasama laging sasabayan kita
  • Pinagsamaha'y nasa puso kaibigan kabarkada
  • Iharap natin ang layag sa umaawit na hangin
  • Kapit-bisig tayong ang gabi ay hahawiin
  • Ating liliparin may harang mang sibat
  • Ating tatawirin daluyong ng dagat
  • Basta't kasama mo ako iisang bangka tayo
  • Anuman ang mithiin ay makakamtan natin
  • Ating liliparin may harang mang sibat
  • Ating tatawirin daluyong ng dagat
  • Basta't kasama mo ako iisang bangka tayo
  • Anuman ang mithiin ay makakamtan natin
00:00
-00:00
ดูรายละเอียดเพลง
#tunog kalye🤘🤘🤘😎😎😎

33 5 1042

4-16 15:29 samsungSM-A125F

ชาร์ตของขวัญ

รวม: 0 190

ความเห็น 5