G Wolf

Alam ko na isa 'to sa na miss nyo

  • Alam ko na isa 'to sa na miss nyo
  • 'Yung ako'y magpaka-beast pero atleast
  • Laging pa ring na sa list, kahit walang ni-release
  • 'Yung mga diss buti na lang natiis ko kahit nakakainis
  • Sa unli pa lang ay panis na, wala kong kailangan i-please
  • Ako lang ang 'di lumusog pero 'yung sulat busog
  • 'Yung beat ay palaging sunog,
  • hindi na sumusulat ng hindi magkakatunog
  • 'Di pa ba kayo na katunog
  • Sa'kin lang kayo makakanood na 'yung tsamba magkakasunod
  • Kaya halatadong tulog na 'yung taong
  • nagsabi sa akin hindi pa ako hubog
  • Tapos sila mga lyrics may kasamang kulog (Wow)
  • Mga ugok (Ugok)
  • Magkakasabay na bulok (Lok, lok)
  • 'Di kami 'yung dahilan kung bakit 'di na kayo patok
  • Sadyang hindi na pasok dito 'yung mga tira pasok
  • Napakadami ko na alog,
  • simula nung nakita nila akong tumula napadabog
  • Lahat sila sa'kin pasugod,
  • totoo pala ang inggit ay 'di na kaya magamot
  • Ako lagi tampok ng mga tunog hambog laging may nag-aamok
  • Kahit na wala ko inalok may sumasagot,
  • hoy ano ba naman ambot
  • Para sa buong sumuntok, mga pumutok
  • Pero sa pangalan namin nakabuntot
  • Mga kumurot puro abog mga tunog
  • Na akala nila kabute sumulpot
  • Malamang sa malamang ay mauna pati sila mauntog
  • Bago pa makarating sa tuktok
  • Sira tuktok, panahon niyo na maudlot
  • Kasi kami na ang taga-tuldok
  • Oh sige namnamin niyo lang
  • Pero pagtagal malalaman niyo rin ang sumatutal
  • Kung gusto niyo mapansin, sige lang
  • Pero tandaang magkaiba ang nauso lang sa popular
  • Hoy 'di 'to madali boy, 'wag niyo na 'kong kine-kengkoy
  • 'Di ko na rin kayo ka-lebel, oy
  • Malaki na ang kaibahan
  • (Malaki)
  • Kahit magtanong ka ba sa iba d'yan
  • Basta may alam, alam niya na 'yan
  • Jusko naman 'pag 'di pa inamin ewan ko na lang
  • Oh sige ito pa ba bitin ka pa sa naririnig mo ngayon
  • Ito 'yung tipo na isang beses mo lang maririnig sa'kin kada taon
  • 'Di ito para sa palakpakan, gusto ko lang ipangalandakan
  • Na hindi lang ako pangkalmahan
  • na kantahan 'yun ang hindi niyo nalaman
  • 'Yun lang ang ginawa kong hakbangan
  • hanggang sa nagka-pangalan
  • Habang hiniram kunwaring nababawan,
  • ginawa akong hagdanan
  • Ang daming nakulangan, nahinaan,
  • kailangan ko pa yatang pakitaan
  • Kaso nga lang 'di na bali baka sa'kin
  • pa madaming mayabangan
  • 'Di mahulaan 'yung tugma
  • 'Di lang sa dulo may suntok pati sa gitna mula umpisa
  • May pino-punto 'to
  • (Boom)
  • Magaling na sana sila kung 'di natututo
  • Dahilan ba't nawalan ng papel 'yung iba at 'yun ang totoo
  • 'Di ko na din kasalanan kung ayaw ko na magpaawat
  • Dire-diretso ang lakad patunay na
  • mga paa'y sa lapag nakatapak
  • Banat nang banat hanggang
  • matupad lahat ng mga balak
  • Mapasa-kamay ang hindi ko pa hawak
  • Hanggang sa lumawak kasi
  • nga gano'n naman talaga dapat
  • Sa dami ng pinakalat, eh bakit
  • ang dami pa rin nasasabi na lait
  • Kung kami palagi ang hinahanap ng
  • marami at sa'min sila lumalapit
  • Kung kami palagi ang topic ng mga
  • tao na sa awit namin ay na adik
  • 'Di ka na dapat nagagalit,
  • kung 'di mo gusto makisabit
  • Oh gusto nyo ng flex
  • Sige ito pa 'yung next
  • Tignan niyo na lang kung sino 'yung naka-abante
  • (Naka-abante)
  • Kita naman kung sino ang 'yung naka-diyamante
  • (Ice, ice)
  • Daming nagkalat sa kalye,
  • feeling higante
  • Pero kapag umatake,
  • mas mabango pa 'yung tae ng elepante
  • Akala ko ba magaling bakit nand'yan pa rin (Nand'yan pa rin)
  • Tignan niyo na lang kami, layo na ng narating
  • Mula nung kami dumating,
  • lahat sila ay naging katawa-tawa na sa scene
  • Nakita kasing iba 'yung nagmamagaling
  • sa tunay na magagaling
00:00
-00:00
Xem chi tiết bài hát
Let's listen to my solo!

270 34 1

2023-9-4 20:06 vivoV2032

Quà

Tổng: 0 24

Bình luận 34