Mahal Paalam Na

Palagi mong tatandaan na mahal kita

  • Palagi mong tatandaan na mahal kita
  • Alam ko na hanggang dito na lang ang katapusan
  • Di gaya ng dati laging masaya lang palagi
  • Puro lang pagmamahalan sa atin ay nangyayari
  • Subalit ang lahat ng tamis ay may kapalit na kalungkutan
  • Di inasahan na ilalayo ka ng kapalaran
  • Tatanggapin ko ang lahat
  • Kung ang sagot ay ang iyong pagbitaw
  • Nais kong makitang ika'y masaya
  • Hindi man ako ang maging dahilan mahal paalam na
  • Nakatingin na mula sa malayo
  • Minamasdan ko ang yong mga ngiti
  • Nababasa ko ang salita ng pag ibig
  • Na binabanggit ng iyong mga labi
  • Patungo sa taong marahil
  • Ang siyang talagang nakatalaga para sayo
  • Nung tayo pa dati tanong ko lang
  • Ganon din kaya sa akin ang nadama mo
  • Araw gabi kong binabalikan sa isipan
  • Lahat ng mga sandali
  • Tinuturing ko na kayamanan ang bawat minutong
  • Kasama ka at katabi
  • Laman ng usapan ay kung ngayo'y nasan ka na
  • Ang lahat ay tila natupad
  • Maliban sa dapat ako ang kahawak mo ng kamay
  • Di ba bago lumipad
  • Ang sabi mo sakin ay wag ka na mag alala
  • Mabilis lang ang tatlong taon
  • Nakalipas na ang dalawa
  • Heto nako't nandito nakatingin sayo ngayon
  • Tinatanong ko sa sarili kung bakit ako pa
  • Ang napagtripan ng tadhana
  • Hanggang sa napatingin ka halata kang nagulat
  • Dahil sa di mo inakala na makikita mo ako sa gan'tong pagkakataon
  • Wag kang matakot ako'y naparito hindi para guluhin ka
  • Gusto kong personal na paabot sayo
  • Ang huling kong mensahe bago ako umuwi pabalik sating bansa
  • Wala akong sama ng loob eh kung ganun na talaga ang sati'y na itakda
  • Tatanggapin ko ang lahat
  • Kung ang sagot ay ang iyong pagbitaw
  • Nais kong makitang ika'y masaya
  • Hindi man ako ang maging dahilan mahal paalam na
  • Bago ka nahanap nag usap kami ng iyong kaibigan
  • At siya ang nagsabi ng lahat ng mga
  • Hindi magandang pangyayaring sinapit mo dito na grabe na
  • Di ko nalaman dahil sa ngiti mo sa tuwing magkausap tayo sa gabi
  • Dumating ka na pala sa puntong matulog nang wala pang kain doon sa tabi
  • Ng daan kung saan ka nadaana't nakita ng taong tumulong sayo
  • Ang siyang nagbigay ng pag asa at nagpatamasa ng araw sa mga bagyo
  • Ang nagpagamot sa magulang mo na may sakit nagpaaral sayong kapatid
  • Maaring sabihin na kung nasan ka man ngayon ay sya ang sa iyo'y naghatid
  • Hanggang sa tuluyan mahulog ang yong kalooban eh sino ba namang hindi
  • Kaya ng ika'y inalok ng pagpapakasal ay hindi na nag atubili
  • Naging masakit man sa akin isipin kung ba't ako'y parang di mo napaglaban
  • Subalit marahil ito ang sadyang nakasulat na dito sating kapalaran
  • Nais ko pa rin na iyo tong malaman
  • Ni minsan di ka nawala sa isipan
  • Palagi pa rin ang pangarap kung pwede lang sana pero di na pagpipilitan
  • Ang nais ko ay kasiyahan mo kahit na ang kapalit ay ang pagdaramdam
  • Salamat sa oras mo na binigay ako ay babalik na mahal ko paalam
  • Tatanggapin ko ang lahat
  • Kung ang sagot ay ang iyong pagbitaw
  • Nais kong makitang ika'y masaya
  • Hindi man ako ang maging dahilan mahal paalam na
  • Tatanggapin ko ang lahat
  • Kung ang sagot ay ang iyong pagbitaw
  • Nais kong makitang ika'y masaya
  • Hindi man ako ang maging dahilan mahal paalam na
00:00
-00:00
Lihat rincian lagu
Pakinggan natin ang solo ko!

52 12 4958

7-6 13:25 OPPOCPH2083

Tangga lagu hadiah

Total: 0 17

Komentar 12