G Wolf

Alam ko na isa 'to sa na-miss niyo

  • Alam ko na isa 'to sa na-miss niyo
  • Yung ako'y magpaka-beast pero atleast
  • Lagi pa rin nasa list
  • Kahit walang ni-release yung mga diss
  • Buti na lang natiis ko kahit nakaka-inis
  • Sa unli pa lang ay panis na
  • Wala 'kong kailangan i-please
  • Ako lang yung 'di lumusog
  • Pero yung sulat busog
  • Yung beat ay palaging sunog
  • 'Di na sumusulat ng hindi magkakatunog
  • 'Di pa ba kayo nakatunog
  • Sakin lang kayo nakakanood
  • Na yung tyamba magkakasunod
  • Kaya halatadong tulog pa yung taong
  • Nag-sabi sa aking 'di pa ko hubog
  • Tapos sila mga lyrics may kasamang kulog
  • Mga ugok magkakasabay na bulok
  • 'Di kami yung dahilan kung bakit 'di na kayo patok
  • Sadyang hindi na pasok dito yung mga tira pasok
  • Napakadami kong naalog
  • Simula nung nakita nila 'ko tumula ng padabog
  • Lahat sila sakin pasugod totoo palang
  • Ang inggit ay hindi na kayang magamot
  • Ako lagi tampok ng mga tunog hambog
  • Laging may nag-aamok
  • Kahit na wala 'kong inalok may sumasagot
  • Ano ba naman ambot
  • Parang sa buwan sumuntok
  • Mga pumutok pero sa pangalan namin nakabuntot
  • Mga kumurot nung lumagabog
  • Ang mga tunog na akala nila kabuteng sumulpot
  • Malamang sa malamang ay mauna padin sila mauntog
  • Bago pa makarating sa tuktok sira tuktok
  • Panahon niyo na maudlot kasi kami na ang taga-tuldok
  • Oh sige namnamin niyo lang pero pag tagal
  • Malalaman niyo rin ang sumatutal
  • Kung gusto niyong mapansin sige lang
  • Pero tandaang magka-iba ang nauso lang sa popular
  • Hoy 'di to madali boy 'wag niyo nga 'kong kini-kengkoy
  • 'Di ko na rin kayo ka-lebel oy
  • Malaki na ang kaibahan
  • Kahit magtanong ka pa sa iba diyan
  • Basta may alam alam niya na yan
  • Diyos ko naman pag 'di pa inamin ewan ko na lang
  • Oh sige eto pa baka bitin
  • Ka pa sa mga naririnig mo ngayon
  • Ito yung tipo ng isang beses mo
  • Lang maririnig sa akin kada taon
  • 'Di 'to para sa palakpakan
  • Gusto ko lang ipangalandakan
  • Na hindi lang ako pang-kalmahan
  • Na kantahan yun ang 'di niyo nalaman
  • 'Yon lang ang ginawa kong hakbangan
  • Hanggang sa nagkapangalan
  • Habang yung ibang kunwaring nababawan
  • Ginagawa akong hagdanan
  • Ang daming nakulangan nahinaan
  • Kailangan ko pa yatang pakitaan
  • Kaso nga lang 'di na bali baka sa'kin
  • Pa madaming mayabangan
  • Di mahulaan yung tugma 'di lang sa dulo
  • May suntok pati sa gitna
  • Mula umpisa may pinu-punto 'to
  • Magaling na sana sila kung 'di natuto 'to
  • Dahilan 'bat nawalan ng papel
  • Yung iba at 'yon ang totoo
  • 'Di ko na din kasalanan kung ayaw ko na magpa-awat
  • Dire-diretso ang lakad patunay na
  • Mga paa'y sa lapag naka-tapak
  • Banat ng banat hanggang matupad
  • Lahat ng mga balak mapasakamay
  • Ang hindi ko pa hawak hanggang
  • Sa lumawak kasi nga gano'n naman talaga dapat
  • Sa dami nang pinakalat ay bakit
  • Ang dami pa din nasasabi na lait
  • Kung kami palagi ang hinahanap
  • Ng marami at sa'min sila lumalapit
  • Kung kami palagi ang topic ng mga tao na sa awit
  • Namin ay na-adik
  • 'Di ka na dapat nagagalit kung 'di mo gustong makisabit
  • Oh gusto niyo ng flex sige ito pa yung next
  • Tignan niyo na lang kung sino yung nakaabante
  • Kita naman kung sino yung naka-dyamante
  • Daming nagkalat sa kalyeng feeling higante
  • Pero kapag umatake mas mabango pa yung tae ng elepante
  • Akala ko ba magaling bakit nandiyan parin
  • Tignan niyo na lang kami layo na ng narating
  • Mula nung kami'y dumating
  • Lahat sila ay naging katawa-tawa na sa scene
  • Nakita kasing iba yung nag-mamagaling
  • Sa tunay na magagaling
00:00
-00:00
Xem chi tiết bài hát
Let's listen to my solo!

57 2 8178

2-5 17:59 iPhone XR

Quà

Tổng: 0 9

Bình luận 2