heber bartolome

Ang nanay n'ya'y naglalaba ang tatay n'ya'y pagod

  • Ang nanay n'ya'y naglalaba ang tatay n'ya'y pagod
  • Galing sa trabaho wala pang tulog
  • Si Nena'y nagbabasa nag aaral pa
  • Nag iisang anak ng kanyang ama't ina
  • Tanging pag asa ng kanyang ama't ina
  • Ang nanay n'ya'y umiiyak ang tatay n'ya'y patay
  • Naipit ng makina doon sa pabrika
  • Sinikap ng kanyang nanay na sila ay mabuhay
  • Sa paglalaba ay tumulong s'ya
  • Si Nena'y natigil sa pag aaral n'ya
  • Lumaki si Nena di nakapag aral
  • Di natitiyak kung ano ang bukas
  • O kay hirap ng buhay na kanyang dinanas
  • Ang tanong niya'y kailan ito magwawakas
  • Ang nanay n'ya'y nakahiga mata'y nakapikit
  • Sa labis na trabaho ito'y nagkasakit
  • Si Nena'y nababalisa kailangan n'ya'y pera
  • Walang mauutangan saan kukuha
  • Kailangan niya'y pera saan s'ya kukuha
  • Lumaki si Nena kaakbay ay hirap
  • Di natitiyak kung ano ang bukas
  • O kay hirap ng buhay na kanyang dinanas
  • Ang tanong niya'y saan ito magwawakas
  • Bago dumilim si Nena'y umaalis
  • Laging naka make up maiksi ang damit
  • Ang itsura n'ya ay kaakit akit
  • Bukas na ng umaga ang kanyang balik
  • Ayaw ni Nena ngunit s'ya'y nagigipit
  • Oh hmmm
  • Nena Nena
  • Hmmm
  • Tulad ni Nena marami pang iba
  • Kahit saan maraming Nena
00:00
-00:00
View song details
Pakinggan natin ang solo ko!

33 10 2276

7-9 15:28 vivo 2015

Gifts

Total: 0 7

Comments 10