Almusal, Tanghalian, Hapunan

Hayun na naman si totoy at umiiyak

  • Hayun na naman si totoy at umiiyak
  • Nasa isang sulok at hilo ang utak
  • Mangyari ang inay umaga pa'y pumuputak
  • At sa kanyang ama'y tumatalak
  • Madalas na itong si totoy ang nasisinghalan
  • Pag-alis ng tatay niyang hindi na rin makatagal
  • Ganitong uri ng buhay sa isip niya ay nakin'tan
  • Sa umaga yan ang kanyang almusal
  • Sa tanghaling tapat ang nanay niya'y nagsusugal
  • Binabatukan siya pag umaangal
  • Pinabayaan niya si totoy na maging hangal
  • Sa halip na ituro kung alin ang bawal
  • Ganitong uri ng buhay ang kinagisnan
  • Ano ba't ang tama at mali hindi niya alam
  • Alin at saan bang panig ang kanyang pupuntahan
  • Kung ganyan lagi ang kanyang tanghalian
  • Almusal at tanghalian
  • Pasalamat ka kung mayron pang hapunan
  • Almusal tanghalian at hapunan
  • Para kay totoy ay di bale na lang
  • Huwag na lang
  • Huwag na lang
  • At isang hapon ang luha niya'y muling pumatak
  • Dahilan sa ang pamilya niya'y nagkawatak-watak
  • Pagkat ang tatay niyang laging nalulunod sa alak
  • Sa ibang babae ay mayrong anak
  • Kaya si totoy na palagi nang walang imik
  • Sa kalinga ng magulang ay sabik
  • Nalason ang isipan kung kaya naghimasik
  • Ngayon si totoy ay isa nang adik
  • O marami pa ang totoy na naliligaw
  • Kung ama't ina ka marahil ang may sala'y ikaw
  • Maging halimbawang magulang sa bawat galaw
  • Sa kinang ng tukso'y huwag kang papaagaw
  • Almusal at tanghalian
  • Pasalamat ka kung mayron pang hapunan
  • Almusal tanghalian at hapunan
  • Para kay totoy ay di bale na lang
  • Almusal at tanghalian
  • Pasalamat ka kung mayron pang hapunan
  • Almusal tanghalian at hapunan
  • Para kay totoy ay di bale na lang
  • Huwag na lang
  • Huwag na lang
  • Huwag na lang
00:00
-00:00
View song details
hello like ko lng awitin ito ❤️❤️❤️💃💃💃🌹🌹🌹🌹

16 2 2064

4-21 23:22 INFINIXInfinix X6525

Gifts

Total: 0 2

Comments 2