Muntinlupa

Pambansang piitan

  • Pambansang piitan
  • Muntinlupa ang pangalan
  • Sa mata ng lipunan
  • Puro ka lang kaguluhan
  • Naging paksa ka ng usapan
  • Laman ka ng mga pahayagan
  • Ano ang 'yong naging katanyagan
  • 'Di ba pawang kasamaan
  • Muntinlupa oh muntinlupa
  • Labis ka nang hinamak ng madla
  • Ngunit nang si Jesus sa 'yo'y naghimala
  • Mga taong nasa laya ay namangha
  • Muntinlupa oh muntinlupa
  • Pook ka ngayon ng hamon at pagpapala
  • Mga bilanggong dati nga ay masama
  • Ngayo'y naghahayag ng mabuting balita
  • Pambansang piitan
  • Pook na aming kinasadlakan
  • Ng dahil sa kasalanan
  • Sa diyos at sa lipunan
  • Ngunit dito sa bilangguan
  • Natamo namin ang kaligtasan
  • Kagalakan kapayapaan
  • Buhay na pang walang hanggan
  • Muntinlupa oh muntinlupa
  • Sa ngalan ni Jesus ikaw ay naging payapa
  • At tulung-tulong ang mga mananampalataya
  • Sa pagpupunla ng kanyang salita
  • Muntinlupa oh muntinlupa
  • Jerusalem ka pala na mga pinagpala
  • Pook na dati aming kinahihiya
  • Ngayo'y aming dinadakila
  • Muntinlupa oh muntinlupa
  • Labis ka nang hinamak ng madla
  • Ngunit nang si Jesus sayo'y naghimala
  • Mga taong nasa laya ay namangha
  • Muntinlupa oh muntinlupa
  • Jerusalem ka pala ng mga pinagpala
  • Pook na dati aming kinahihiya
  • Ngayo'y aming dinadakila
  • Muntinlupa oh muntinlupa
  • Jerusalem ka pala ng mga pinagpala
  • Muntinlupa oh muntinlupa
  • Jerusalem ka pala ng mga pinagpala
  • Muntinlupa oh muntinlupa
  • Jerusalem ka pala ng mga pinagpala
00:00
-00:00
View song details
Come and listen my KTV show!

25 8 524

1-10 17:40 XiaomiM2010J19CG

Gifts

Total: 0 2

Comments 8