Ako Naman Muna

La la

  • La la
  • La la la la la la
  • La la la la
  • Kada hakbang sa lupa'y para akong inaalon
  • At nalulunod sa batikos ng mundo
  • Sa kung ano lamang ang kaya ko
  • Pigang piga na sa mga problemang 'di masolusyonan agad
  • Parang wala ng bukas
  • Pwede bang umiwas
  • Hinahanap ang sarili ngunit 'di na kakayanin
  • Sa ligaw na dinadaanan ko
  • Sa'n na 'to patungo
  • Sa'n na 'ko patungo
  • Dahan dahan nating simulan muli ang paghakbang
  • Dahan dahang tumingin sa salamin
  • Upang makita ang ating kagandahan
  • Dahan dahang iangat ang mukha
  • Upang masilayan ang payapang kalangitan
  • Oo pagod ka na pero 'di ka nag iisa
  • Kaya't lumaban ka at sabihing
  • Ako naman muna
  • Kada langhap sa hangin pansin ko na lagi na lang usok
  • Walang malinis halos puro polusyon
  • Parang ako raw na konsumisyon
  • Gulong gulo ang isip sa'n ba lulugar kapag nagkamali
  • Grabe sila manghusga
  • Bakit Perpekto ba sila
  • Huminga ka ng malalim at isipin ng mabuti
  • Ang mga desisyong ilalaan para sa kinabukasan
  • Nang makapunta sa paroroonan
  • Kung dahan dahan nating simulan muli ang paghakbang
  • Dahan dahang tumingin sa salamin
  • Upang makita ang ating kagandahan
  • Dahan dahang iangat ang mukha
  • Upang masilayan ang payapang kalangitan
  • Oo pagod ka na pero 'di ka nag iisa
  • Kaya't lumaban ka at sabihing
  • Ako naman muna
  • Ako naman muna
  • Huwag papalamon sa lungkot
  • Huwag hahayaang malugmok ang puso mo
  • Sa ibabato sa 'yo ng iba
  • Tandaan mong sapat ka
  • Dahan dahang tanggalin ang maskara
  • At hayaang tumulo ang bumabadyang mga luha
  • Dahan dahang iangat ang mukha
  • Upang masilayan ang mga taong ika'y pinapahalagahan
  • Oo pagod ka na pero 'di ka nag iisa
  • Kaya't lumaban ka at sabihing
  • Ako naman muna
  • Ako naman muna
00:00
-00:00
ดูรายละเอียดเพลง
Let's listen to my solo!

30 2 4537

1-6 18:57 OPPOCPH2473

ชาร์ตของขวัญ

รวม: 0 3

ความเห็น 2