Bathala

Bathala

  • Bathala
  • Likha ninyo ang bawat bagay sa mundo
  • Lupang kayumanggi't luntiang bukirin
  • Alat ng dagat at tamis ng hangin
  • Bathala
  • Ang bawat bagay na nagmula
  • Sa inyong palad
  • Ay may tungkulin sa mundong
  • Kinagisnan
  • Sa pagtupad nito ang lahat
  • Ay tinitimbang
  • Ang tao
  • Inyong hinugis at pinaahon sa lupa
  • Pinagkalooban ng talino at diwa
  • Upang mundo'y ipaglaban
  • Talino
  • Naging ararong nagpaamo sa parang
  • Naging kpit na sumagupa sa karagatan
  • Naging apoy na nagpalayas sa karimlan
  • Sagana
  • Sa kayamanan ang mundong inyong likha
  • At may bahagi rito ang bawa't nilalang
  • Kung susuyuin lang mula sa kalikasan
  • Subalit
  • Buhay dalisay ay di sapat sa iilan
  • Silaw nasilaw sa kinang ng kasakiman
  • Ganid na diyos ang sinamba
  • Pinaghahati-hatian po nila ang lupa
  • Karagatan at himpapawid
  • Ngayo'y may bakod na
  • Kapwa tao't hayop ma'y
  • Inaagawan ng tahanan
  • Walang nakaliligtas
  • Sa kanilang karahasan
  • Kaunlaran at kabutihan
  • Daw ang kanilang sadya
  • Subalit ang lumilitaw
  • Ay isang panggagahasa
  • Bathala
  • Ako'y hinugis nyo't pinaahon sa lupa
  • Ang aking buhay ay dito nagmula
  • At dito rin inaalay
  • Bathala
  • Bigyang lakas itong inyong tanod lupa
  • Upang umiral sa mapagsamantala
  • Panalangin ko'y dinggin harinawa
  • Bathala
00:00
-00:00
ดูรายละเอียดเพลง
WAKE UP CALL SONG🥺🥺🥺🥺🥺

31 3 3494

11-3 07:41 TECNO MOBILE LIMITEDTECNO LE7

ชาร์ตของขวัญ

รวม: 0 1

ความเห็น 3