Bulag, Pipi At Bingi(Unplugged)

Madilim ang 'yong paligid

  • Madilim ang 'yong paligid
  • Hating-gabing walang hanggan
  • Anyo at kulay ng mundo sa 'yo'y pinagkaitan
  • H'wag mabahala kaibigan
  • Isinilang ka mang ganyan
  • Isang bulag sa kamunduhan
  • Ligtas ka sa kasalanan
  • 'Di nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo
  • Marami sa atin nabubuhay nang tulad mo
  • 'Di makita 'di madinig minsa'y nauutal
  • Patungo sa hinahangad na buhay na banal
  • Ibigin mo mang umawit
  • Hindi mo makuhang gawin
  • Sigaw ng puso't damdamin wala sa 'yong pumapansin
  • Sampung daliri kaibigan d'yan ka nila pakikinggan
  • Pipi ka man nang isinilang
  • Dakila ka sa sinuman
  • Di nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo
  • Marami sa atin nabubuhay nang tulad mo
  • 'Di makita 'di madinig minsa'y nauutal
  • Patungo sa hinahangad na buhay na banal
  • Ano sa 'yo ang musika sa 'yo ba'y mahalaga
  • Matahimik mong paligid awitan ay 'di madinig
  • Mapalad ka o kaibigan napakaingay ng mundo
  • Sa isang binging katulad
  • Mo walang daing walang gulo
  • Di nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo
  • Marami sa atin nabubuhay nang tulad mo
  • 'Di makita 'di madinig minsa'y nauutal
  • Patungo sa hinahangad na buhay na banal
  • 'Di makita 'di madinig minsa'y nauutal
  • Patungo sa hinahangad na buhay na banal
00:00
-00:00
Xem chi tiết bài hát
Good duet! Let's listen.

10 3 2887

Ngày hôm qua 17:27

Quà

Tổng: 0 20

Bình luận 3