Bakit Hindi

Wag mangarap ng basta simple

  • Wag mangarap ng basta simple
  • At umasa lagi sa libre
  • Bakit hindi Bakit Hindi
  • Yan ang sabihin sa sarili
  • Pagbutihan mo ng maigi
  • Kamustahin kung may imposible
  • Bakit Hindi Bakit Hindi
  • Yan ang sabihin sa sarili
  • Dahil lang ba ang mga bagay na nakaharang
  • Sa'yong daraanang hagdanang
  • Mataas madulas kahit na matumba
  • Ay hindi mo pababayaan at tuluyang mabahiran ng alinlangan
  • Bawat hakbang tawirin mo man dagat
  • Sabayan hanging habagat
  • Baga't apoy
  • Bawat patak ng dugo'y
  • Di mawawalan ng saysay ang mga boses at panaghoy
  • Dahil ang mga araw na dumarating ang nagsisilbing pag-asa
  • Sa kanila na sa pait ng buhay nawalan na ng panlasa
  • Walang trabaho mawalang makain bubungan na tinangay ng hangin
  • Humahaba na ang listahan sa tindahan ng saging
  • Lima ang anak mo na sanggol kailangang ipagtanggol
  • Sa kahirapan na pumupukol isip mo na buhol-buhol
  • Ano man ang kahantungan palagi mong tatandaan
  • Kapag hindi ka na bumangon ay dun ka pa lang magiging talunan
  • Diinan ang tapak sa lupa punasan mo ang luha
  • Kung hindi ka susuko hinding hindi ka huhupa
  • Wag mangarap ng basta simple
  • At umasa lagi sa libre
  • Bakit hindi Bakit Hindi
  • Yan ang sabihin sa sarili
  • Pagbutihan mo ng maigi
  • Kamustahin kung may imposible
  • Bakit Hindi Bakit Hindi
  • Yan ang sabihin sa sarili
  • Bakit Bakit gumigising
  • Bakit Bakit dumidilat dilat
  • Hindi pwedeng tumigil kahit mabigat ang buhat buhat
  • Hindi kumukurap kahit ilang beses ginulat
  • Hinda nang sumagupa sa lahat ganon kakunat
  • Ang balat namalat sa lakas ng sigaw
  • Iangat kumagat lunukin ng hilaw
  • Higpitan mo lang ang hawak wag na wag kang bibitaw
  • Ang kalaban mo lang ay walang iba kundi ikaw
  • Lagi kang magpasalamat na ikaw ay binigyan
  • Ang isipin mo na lamang ay lamang tiyan din yan
  • Kahit tuyo na ang halaman sadtyagain mong diligan
  • Hanggang ikaw ay lumaguna na akala mo Binan
  • Lahat ng yong naaabot ay pilitin mong higitan
  • Patilimin ang patalim at maghanda kang gilitan
  • Kung hindi mo nagawa wag mo na muling tignan
  • Marami pang pagkakataon ang nasa yong harapan
  • Wag mangarap ng basta simple
  • At umasa lagi sa libre sa libre
  • Bakit hindi Bakit Hindi
  • Yan ang sabihin sa sarili yan ang sabihin
  • Pagbutihan mo ng maigi pagbutihan pa
  • Kamustahin kung may imposible oh-oh-oh
  • Bakit Hindi Bakit Hindi
  • Yan ang sabihin sa sarili
  • Bakit Hindi Bakit Hindi
  • Yan ang sabihin sa sarili
  • Bakit Hindi Bakit Hindi
  • Yan ang sabihin sa sarili
00:00
-00:00
ดูรายละเอียดเพลง
Let's hear it!

5 0 1

2019-4-28 10:09 samsungSM-J710K

ชาร์ตของขวัญ

รวม: 0 0

ความเห็น 0