Tanging Gabay

Sana iyong dinggin ang panalangin ko

  • Sana iyong dinggin ang panalangin ko
  • Sana ay mapatawad mo ang kamalian ko
  • Buong puso at kaluluwa ako'y nangangako
  • Mula ngayon ay susunod sa 'yo
  • Purihin ka oh dios sa kabanalan mo
  • Nilinis mo ang puso kong dating naglililo
  • Binigyang bagong pag-asa na noo'y 'di ko dama
  • Salamat at ika'y aking gabay
  • Panginoon samahan mo akong nagkamali
  • Kung sa'ng landas ako tatahak nang 'di na madapang muli
  • At kung sakaling may bagyo yakapin mo ako
  • Panginoon ako'y samahan mo
  • Lahat ay gagawin iaalay sa 'yo
  • Handog ay pasasalamat at ako'y binago mo
  • Buong puso't katapatan ang pagpupuri sa 'yo
  • Walang hanggang ika'y paglilingkuran
  • Panginoon samahan mo akong nagkamali
  • Kung sa'ng landas ako tatahak nang 'di na madapang muli
  • At kung sakaling may bagyo yakapin mo ako
  • Panginoon ako'y samahan mo
  • Aanhin pa ang lahat mga yaman sa mundo
  • Kung sa puso ay mayro'ng kirot na sa 'yo'y gumugulo
  • Aanhin pa ang lahat buhay ay 'di sapat
  • Kung ang kapalit ay kamalian ko
  • Panginoon samahan mo akong nagkamali
  • Kung sa'ng landas ako tatahak nang 'di na madapang muli
  • At kung sakaling may bagyo yakapin mo ako
  • Panginoon ako'y samahan mo
  • Panginoon ako'y samahan mo
00:00
-00:00
Xem chi tiết bài hát
Let's listen to my solo!

160 27 2797

2021-3-31 18:50 vivo 1904

Quà

Tổng: 2 58

Bình luận 27