Philophobia

Ang masaktan sa relasyon lagi nalang nararanasan

  • Ang masaktan sa relasyon lagi nalang nararanasan
  • Kaya ang ganahan sa pagmamahal nababawasan
  • Sino bang naligayahn nung ang puso'y nahawakan
  • Kala mo ay iingatan yun pala ay tatapakan
  • Kung ang gusto lang pala ay saktan mo ko ng lubusan
  • Eh di sana ay hinamon mo na lamang ng suntukan
  • Pwede mo kong sikmurahan dibdiban o sa muka
  • Sa dami ng pwedeng tamaan bakit ang puso ko pa
  • Saktan mo na ng pisikal wag lang sana ang emosyon
  • Pinamuka ang magmahal ng tunay sakin illusyon
  • Na lamang at wala nang pagasang makayang makalayang
  • Mapayapang mamalayang di nasayang at wala lang
  • Ang nasalang at inalang alang na pagmamahalang
  • Paglalabang buong tapang at handang handang igapang
  • Nang wala na ngang haharang harang at matanggal ang
  • Mga hadlang ngunit parang sayo walang walang walang wala lang
  • Pilitin man ang sarili na muli pang magmahal
  • Takot ang nadaramang ibigay ko mang lahat
  • Di rin naman magtatagal
  • Sa tuwing nasasawi dinadaan ko sa kanta
  • Nakanino ang mali nasakin ba o sa kanya
  • Ginagawa ko ang lahat ganun din daw ginagawa nya
  • Tanging nagawa nya lang sa mga ex ko makigaya
  • Nanloloko at nananaket oo ganun sila
  • Mapagmahal pero hanggang dun lang sa umpisa
  • Sila'y mahusay pagnakuha'y merong sungay yan ang tunay
  • Nilang kulay sa pagluha'y nauumay nang mabuhay
  • Kala ko makakatulong makalimot ang pagtagay
  • Di pala kaya wala nang gana sa lahat ng bagay
  • Maghanap ka nalang ng iba ang sabe ng mga tropa
  • Ang sagot ko sa kanila Ayoko na tol nakaka phobia
  • Sino ba naman kase ang may gusto
  • Ang masaktan nang masaktan nang masaktan ng husto
  • Purkit di na ibibigay ang puso ay madamot na
  • Baka masaktan lang kase ulet nakakatakot na
  • Ang takot sa pagmamahal sa puso nakabalot na
  • Nakakasawa nang lumuha at nakakapagod na
  • Sa numero uno sa listahan ng bigo aabot na
  • Pinilit kong gisingin puso ko pero naantok na
  • Kaya naisip ko kapag umibig ay masasaktan
  • Upang di masaktan wag kang umibig yan ang tandaan
  • Saking pagiwas sa pagibig hindi to kaduwagan
  • Pansin ko lang kase sa relasyon ang laban utakan
  • Pilitin man ang sarili na muli pang magmahal
  • Takot ang nadaramang ibigay ko mang lahat
  • Di rin naman magtatagal
  • Sa lupit ng kapalaran ako'y di nakaligtas
  • Ito ang dahilan kung ba't lumalaki ng matigas
  • Pero kapag nagiisa wala pa rin palang nagbago
  • Nandoon pa rin yung taong malambot ang pagkatao
  • Di maloko ang sarili buhay ko'y naloko na
  • Ako'y hinang hina na ayoko na
  • Saking panlabas ako'y mukang buo at maligaya
  • Pero saking kalooban ako'y sirang sira na
  • Utak mo ay nasa ulo puso mo'y nasa dibdib
  • Unahin mong gamitin yung nasa taas at makinig
  • Ayoko nang umibig pang muli yan ang huling sagot
  • Ako ay nagiingat lang sige takot na kung takot
  • Sakit at galit sating puso di pala natatanggal
  • Tayo'y nasasanay nalang dito habang nagtatagal
  • Balang araw pag ang karma ay papunta na sayo
  • Isa ka na rin sa iiyak dito sa kanta na to
  • Pilitin man ang sarili na muli pang magmahal
  • Takot ang nadaramang ibigay ko mang lahat
  • Ibigay ko mang lahat
  • Di rin naman magtatagal
  • Asero res
00:00
-00:00
Lihat rincian lagu
PARA SA MGA TAKOT NG UMIBIG ULIT 👌🏻

1499 148 1

2020-3-1 00:53 iPhone 7 Plus

Tangga lagu hadiah

Total: 0 211

Komentar 148