Lolo Jose

Noong panahong siya ay hari

  • Noong panahong siya ay hari
  • Masigla ang kanyang pagbati
  • Mahigpit ang hawak ng mga daliri
  • At ang lakad nama'y matuwid
  • Mahusay ang kanyang talumpati
  • Makisig kung siya ay magdamit
  • Malalim ang kanyang pag-iisip
  • At lahat ay sa kanya nakatitig
  • Ngunit ngayong siya'y pagod na
  • Mahina na rin ang katawan
  • Pinagmamasdan na lamang sa bintana
  • Ang unti-unting pagdaloy ng ulan
  • At ang unang tanong sa umaga
  • Kung ano ang kanyang nagawa
  • Sa paglipas ng siyamnapung taon
  • Nang siya'y malakas at bata pa
  • Si Lolo Jose si Lolo Jose
  • Si Lolo Jose matanda na
  • Ngunit mahal ko pa si Lolo Jose
  • Kahit Siya'y ngayon ay laos na
  • Sa piling ng mga alaala
  • Lagi na lamang nag-iisa
  • Kahit sulyap walang maaasahan
  • Sa anak na'di man siya mapagbigyan
  • At ang unang tanong sa umaga
  • Kung mayro'n pa siyang magigisnan
  • Na liwanag sa nalalabing buhay
  • Ngayon siya'y matanda at laos na
  • Si Lolo Jose si Lolo Jose
  • Si Lolo Jose ay matanda na
  • Ngunit mahal ko pa si Lolo Jose
  • Kahit siya ngayon ay laos na
  • Sa dilim ng kanyang pag-aasam
  • Maghapon na lang nakabantay
  • Kung kanyang matatanaw pa ang hiwaga
  • Nang hindi malimot niyang nakaraan
  • At ang diwa ng kahapon
  • 'Di na matagpuan
  • At ang sinag ng umaga
  • Dinaanan ng ulan
  • At ang hirap ng nasa puso
  • 'Di na mapapantayan
  • Kung maari lang maari lang
  • Pawiin ang dusa
  • Si Lolo Jose si Lolo Jose
  • Si Lolo Jose ay matanda na
  • Ngunit mahal ko pa si Lolo Jose
  • Kahit siya ngayon ay laos na
00:00
-00:00
Xem chi tiết bài hát
Come to join my duet!

3 0 1

2020-11-30 20:05 itel W5503

Quà

Tổng: 0 0

Bình luận 0