Dear Duterte

Dear Duterte

  • Dear Duterte
  • Ikaw na po aming pangulo
  • Ikaw huling pag asa na limutin ang pagsuko
  • Pinas ay napasuko ngunit ikaw ang sugo
  • Upang pigilan aming mga luha sa pagtulo
  • Sino ba naman kase ang di maiiyak
  • Ipapakain sa pamilya namin ay hindi tiyak
  • Kung meron ba o wala Kulang ba o sapat
  • Pondo para samin napunta kase sa di tapat
  • Pinaghirapan ng mahirap napunta sa kanila
  • Pero sayo kame tiwala di ka ganon di ba
  • Ang tiwala at ang puso ng Pinoy nasayo po
  • Kaya nga ikaw ang binoto namin para maupo
  • Na kame ay itayo mula sa pagkakadapa
  • Abot mo samin pagunlad na di pa namin nakapa
  • Aming pagpili sa iyo sana kami'y may mapala
  • Sa mga dateng umupo kase kame ay nadala
  • At alam ko po pangulo na nakikita mo
  • Pamilya nasisira dahil lang sa bawal na bato
  • Hindi na kakaiba to mapipigilan mo ba to
  • Sasaluhin mo ba problema na sayo ibabato
  • Dahil alam mo naman Pinas madaming suliranin
  • Taghirap na nga kame lahat pa ay kukunin samin
  • Swerte na kame kapag may isasaing na bigas
  • Ang mahirap pinahihirapan ganyan sa Pinas
  • Dahil ba walang trabaho Tingin ko di ganon
  • May trabaho ngunit di sapat dahil sa korapsyon
  • Mga bilihin mamahalin habang maliit ang sahod
  • Di makatarungan kapalit ng aming mga pagod
  • Dahil jan nagaabroad ibang Pinoy nang sapilitan
  • Paghihirapan o pangungulila lang pagpipilian
  • Pagbalik mga anak di na kilala ang magulang
  • Di sana ito nangyari kung gobyerno di magulang
  • Sana wag magkulang iyong pamamalakad
  • Sana sa iyong kamay na bakal ay maging mapalad
  • Bawat buhay namin ng mga Pinoy at Pinay
  • Dahil pagbabago kay tagal na naming hinintay
  • Sa paghihirap po kase sawang sawa na po kame
  • Mga makapangyarihan sa Pinas kami inaape
  • Sila ay mga tao ngunit asal ay pang animal
  • Mga buwaya porma ay disente ngunit kriminal
  • Kapag mayaman ang nagnakaw ang tawag ay negosyante
  • Pag mahirap ang nagnakaw ang tawag ay pugante
  • Pag mayaman nagkasala napapawalang sala
  • Pag mahirap nagkasala kulungan na ang sala
  • Kaya sana po pangulo gawin mong pantay pantay
  • Ang pagtingin sa mga tao ng batas nating sablay
  • Pero ngayon sa pamumuno mo nagtitiwala pa ko
  • Dahil kilala ka naming patas lang at makatao
  • Umaasa mga tao di na muli pang maloloko
  • Gaya dun sa administrasyong Aquino at Arroyo
  • Sana lahat magbago sa iyong paglilingkod
  • Kahit mahigpit at istrikto ka kame ay susunod
  • Dahil alam naman namin na para samin din ito
  • Samin magsisimula ang pagbabago di lang sa iyo
  • Dapat kami'y kumilos din habang ikaw nag gagabay
  • Aming paa'y ihahakbang habang hawak iyong kamay
  • At kami ay iyong hatid sa aming mga kailangan
  • At muli mong ibalik kinang ng Perlas ng silangan
  • Marinig mo man ito o hinde ayos lang
  • Mahalaga iyong mithiin iyong matapos ang
  • Lahat ng dapat mong tapusin sayong pamamahala
  • Saming bayan di magiliw ikaw na po bahala
  • Hangang dito nalang ikaw na po magbago Sa Pinas
  • Nagmamahal Hambog na Sagpro
00:00
-00:00
Lihat rincian lagu
peace😇😇😇

59 2 1

2020-4-10 13:46 QnetT702

Tangga lagu hadiah

Total: 0 0

Komentar 2