Orasyon(Mano Po)

Ilang saglit na lamang ang sikat ng araw

  • Ilang saglit na lamang ang sikat ng araw
  • Papantay sa kapaligiran kay gandang pag masdan
  • Ang mga ibon at kulisap
  • Nagsasagutan
  • Sa tunog ng kamapana
  • Kanilang sinasabayan
  • Ang mga batang naglalaro sa bakuran
  • Dahan dahang magliligpit ng kanilang mga laruan
  • At papanhik sila ng bahay
  • Doon ay madadatnan
  • Ang lolo ang lola at mga mahal na magulang
  • Alasais na ng hapon oras ng orasyon
  • Tahimik sa aming bukid habang nagdidilim ang paligid
  • At ang maganda kong mailarawan ay ang pagmano sa magulang
  • Sa lolo sa lola tanda ng pag galang
  • Mano po sa inyo ang sambit ng mga bata
  • Sabay hawak sa kamay ng matatanda
  • Mano po inay mano po itay
  • Kami ay natutuwa sa simpleng takbo ng buhay
  • Ang kaugaliang aking nakita
  • Sanay manatiling isang magandang halimbawa
  • Itoy isang kaugalian na sanay pag ingatan
  • Hiyas ng kabataan sanay pangalagaan
  • Mano po sa inyo ang sambit ng mga bata
  • Sabay hawak sa kamay ng matatanda
  • Mano po inay mano po itay
  • Kami ay natutuwa sa simpleng takbo ng buhay
00:00
-00:00
Xem chi tiết bài hát
Let's listen to my solo!

42 1 2564

2022-8-8 12:57 samsungSM-J400F

Quà

Tổng: 0 15

Bình luận 1