Kabukiran Medley

Tayo na sinta sandali

  • Tayo na sinta sandali
  • At limutin ang himutok
  • Ang mga mata'y itanaw
  • Sa mga luntiang bundok
  • At sa bukid mo langhapin
  • Ang hanging malamyos
  • Na sing linis ng pagsintang
  • 'Di ko matanos
  • Ang mga pipit sa galak
  • Ay nag aawitan
  • Ang ibig sabihin
  • Kay sarap mabuhay
  • Kung maralita man ikaw
  • At salat sa yaman
  • Ang ginhawa mo'y narito
  • Sa kabukiran
  • Tatalun talon iindak indak
  • Ang tubig sa batis
  • Kung pigilin mo'y pipiglas piglas
  • Tulad ng pag ibig
  • At tuloy pa rin ang pipit sa pag awit
  • Sa mga pook na ito'y walang hapis
  • Pupunday punday ang maninipis
  • Na dahong kawayan
  • Sasayaw sayaw sa nagdaraang mabangong amihan
  • O ako'y iyo sinta habambuhay
  • Sa gitna nitong masaganang kabukiran
  • Arimunding munding
  • Halina at magsayaw
  • Arimunding munding
  • At pakunday kunday
  • Sa iindak indak
  • Ang sarap ng pag imbay
  • Ay bagayan mo sinta
  • Himig ng tugtugan
  • Limutin ang iyong kalungkutan
  • Sa galak ating subaybayan
  • Bawat kumpas sa palakpak
  • At upang sumaya ang ating pusong kay wagas
  • Ng malimot ang lahat ng hirap na tinataglay
  • Ika'y paruparo
  • Bulaklak naman ako
  • Na nasa hardin ng masamyong ganda't bango
  • Kung sakali't dumating ang ula't bagyo
  • Sukob na sa pakpak mo
  • Silong na sa ubod ko
  • Ika'y paruparo
  • Bulaklak naman ako
  • At magkasuyo tayo
  • Sa sakdal tamis mong paglingap irog ko
  • Langit ko'y pag ibig mo
  • Langit ko'y pag ibig mo
00:00
-00:00
Xem chi tiết bài hát

32 7 2860

2022-1-26 11:54 samsungSM-A507FN

Quà

Tổng: 2 27

Bình luận 7