'King Inang Bayan

Kayod-kalabaw na naman

  • Kayod-kalabaw na naman
  • Nakakapagod araw-araw na lang
  • Tagal ng sahod kumakalam na ang tiyan
  • Lagot sa landlord kaya para-paraan
  • Kamusta na mga kaibigan ayos ba tayo dyan
  • Eto nangangailangan parang kahapon lang
  • Di na bago ginagago minamalitrato't minamanipula po tayo ditto sa batibot
  • Na bansa paraiso pag isang bandido
  • Dito anito ang ibang maligno
  • Sinu-sino lipon ng ilang partido
  • Nino sila-silang magkakaapelyido
  • Astig noh ako lang ba o lahat tayo nabobobo
  • Pinoy nga naman oh halata yung panloloko
  • Ako kamo lagay pag umoo
  • Sabagay yan ang gusto ng mga mamboboto
  • Ayoko
  • Ayoko na kasing isipin na ano
  • Na ako'y isang aliping sagigilid na gutom
  • Sa sarili kong lupain binibitin patiwarik
  • Ang karapatan ko maging tatlong bituin at isang araw na nagniningning
  • Yan ang hiling
  • Hindi bat sayang king inang bayan
  • Di ka nila inalagaan
  • Pinabayaan kahit binabayaran
  • Bakit ninanakawan
  • kasi hinahayaan natin
  • Pinapayagan pinapalagpas
  • Media giants medyo biased ang pinapalabas
  • Brainwash anak ng tupa
  • Sunud-sunuran parang alagang tuta
  • Puta ng mga sangkot kakadampot ng kararampot
  • Na pampagamot nakanampot ambot
  • Kakalungkot sarap mag-abroad
  • Yung pook eh sumisikip pa lalo kakakantot kadyot
  • Perlas ka nga ba talaga o alahas ng amerika kawawang talaga
  • Kaya pwede ba magrebelede ng konte
  • Ang gulo sa pinas paksyet penge ng chongke
  • Ala pobre
  • Ayoko na kasing isipin na ano
  • Na ako'y isang aliping sagigilid na gutom
  • Sa sarili kong lupain binibitin patiwarik
  • Ang karapatan ko maging tatlong bituin at isang araw na nagniningning
  • Yan ang hiling
  • Heto na si abra magpapaka-honesto
  • Pukinangina nasan na po ba ang progreso
  • Kung umento un momento dokumento
  • At bayad muna para una kang maiproseso
  • Argumento malakas ang tsina mangahas ng isla
  • Kung ganto yung takbo sayang gasoline
  • At bukod dun ga-bundok yung nandudukot na
  • Lupang hinirang sa iba't ibang lalawigan
  • Nang di nababalitaan likas na yaman
  • Imbis na alagaan pinagkakakitaan
  • Di malaman-laman kung bakit
  • Lupain ni malakas at maganda pa talaga ang pumangit
  • Tapon ditto tapon don trapo dito trapo don
  • Aburidong-aburido trapik dito trapik don
  • No nga bang solusyon sa traffic na to
  • Simple lang naman po yon magjogging kayo
  • Huwag tamad juan tamad itigil ang shabu
  • Itigil nyo na yan habang may ngipin pa kayo
  • Pag palo ang kausap maaring utuin
  • Bato-bato sa langit nang madaling kontrolin
  • Kompanyero ewan kung mapansin mo
  • Sa nasabing gobyerno mayaman lang ang umaasenso
  • Pasibang pang-alila nung sinauna pa
  • Sobrang bulok ng sistema dapat ibasura na
  • Palibhasa puro propaganda
  • Parang sona puro papogi't puro paganda
  • Purong elitist puro rin artista
  • At yun ang punong pamagat ng mga kolumnista
  • Habang mga mangingisda sa sariling dagat pinagtatatakwil
  • At ang mga magsasakang nanlilimos ng bigas pinagbababaril
  • Panay masaker tas talamak pa yung pera
  • Matabil dahil sandamakmak ang pruweba punyeta
  • Bitak ang ekonomiya iwan sa teknolohiya
  • Sira ang ekolohiya inay ko po
  • Madugo ang laban parang dysminoreya
  • Real talk ang ginagamit kong sandata kasabay ng ritmo rima
  • Ano pang reklamo edukasyon at medisina
  • Pero mas nakakabanas and disiplina
  • Sa pinas kaliwa't kanan na ang korapsyon
  • Walang ligtas pati ba naman mga donasyon
  • Kung meron ang kakapal ng mukha sa tarpaulin
  • Namumulitika pa rin sarap lang pakyuhin
  • Mapagbalatkayong nagtatayo ng imprastraktura
  • Ginigipit tinitipid para sa kickback amputa
  • Nagkulang sa benipisyo yun ang alegasyon
  • Kontra sa namemerwisyong kontraktwalisasyon
  • Dami pa tang-ina kakaubos pasensya
  • Di lang upuan ang problema isang buong lamesa
  • Kaya wag sumalalay sa sunod na president
  • Ang dapat magbago ay yung mga residente
  • Wag papeke magpaka-intelihente
  • Wag pakeme ugaliing magpakadisente
  • Oo pang-aabuso'y ating nakasanayan
  • Matuto na po sana tayo sa mga mali ng kasaysayan
  • Wag sayangin ang buhay ng mga bayani
  • Isauli ang lupain sa tunay na nagmamay-ari
  • At kahit barilin ako tuloy ang inspirasyon
  • Pagmamahal sa nasyon na sagad and dedikasyon
  • Kabataan wag magda-drugs ha delikads yon
  • At yung pwede na yan f**k di na pwede ngayon
  • Palaging tandaan hindi ka tulakan
  • Ika'y maharlika dapat dun ka sa unahan
  • Ang mamatay ng dahil sa yo isang karangalan
  • Subalit mas gusto kong mabuhay upang ika'y alagaan
  • King inang bayan
  • Ayoko na kasing isipin
  • Na ako'y isang aliping sagigilid
  • Sa sarili kong lupain binibitin
  • Ang karapatan ko maging tatlong bituin at isang araw na nagniningning
  • Yan ang hiling
  • Ayoko na kasing isipin
  • Na ako'y isang aliping sagigilid
  • Sa sarili kong lupain binibitin
  • Ang karapatan ko maging tatlong bituin at isang araw na nagniningning
  • Yan ang hiling
00:00
-00:00
Lihat butiran lagu
Masarap kantahin to, lalo na't ganitong ganito talaga ang ating bansa, king inang bayan talaga! Join na kayo guys 🤙🤙

7 0 1

2020-8-8 19:29 OPPOCPH1823

Carta hadiah

Jumlah: 0 0

Komen 0