Pandangguhan

Manunugtog ay nangagpasimula

  • Manunugtog ay nangagpasimula
  • At nangagsayawan ang mga mutya
  • Sa mga padyak parang magigiba
  • Ang bawat tapakan ng mga bakya
  • Kung pagmamasdan ay nakatutuwa
  • Ang hinhin nila'y hindi nawawala
  • Tunay na hinahangaan ng madla
  • Ang sayaw nitong ating inang bansa
  • Dahil sa ikaw mutyang paraluman
  • Walang kasing-ganda sa dagat silangan
  • Mahal na hiyas ang puso mo hirang
  • Ang pag-ibig mo'y kay hirap kamtan
  • Kung hindi taos ay mabibigo
  • Sa mga pagsuyong iniaalay
  • Halina aking mahal
  • Ligaya ko ay ikaw
  • Kapag 'di ka natatanaw
  • Ang buhay ko ay anong panglaw
  • Kung may pista sa aming bayan
  • Ang lahat ay nagdiriwang
  • May lechon bawat tahanan
  • May gayak pati simbahan
  • Paglabas ni Santa Mariang mahal
  • Kami ay taos na nagdarasal
  • Prusisyon dito ay nagdaraan
  • Kung kaya't ang iba'y nag-aabang
  • May tumutugtog at may sumasayaw
  • Mayro'ng sa galak ay napapasigaw
  • Ang pista sa bayan namin ay gan'yan
  • Ang saya'y tila walang katapusan
  • Manunugtog ay nangagpasimula
  • At nangagsayawan ang mga mutya
  • Sa mga padyak parang magigiba
  • Ang bawat tapakan ng mga bakya
  • Kung pagmamasdan ay nakatutuwa
  • Ang hinhin nila'y hindi nawawala
  • Tunay na hinahangaan ng madla
  • Ang sayaw nitong ating inang bansa
  • Kung may pista sa aming bayan
  • Ang lahat ay nagdiriwang
  • May lechon bawat tahanan
  • May gayak pati simbahan
  • Paglabas ni Santa Mariang mahal
  • Kami ay taos na nagdarasal
  • Prusisyon dito ay nagdaraan
  • Kung kaya't ang iba'y nag-aabang
  • May tumutugtog at may sumasayaw
  • Mayro'ng sa galak ay napapasigaw
  • Ang pista sa bayan namin ay gan'yan
  • Ang saya'y tila walang katapusan
00:00
-00:00
View song details
Let's listen to my solo!

10 0 3801

10-3 18:58 HUAWEIJNY-LX2

Gifts

Total: 0 0

Comments 0