Parisukat

Ang mga butas sa pader ay nakatingin

  • Ang mga butas sa pader ay nakatingin
  • Mababang kisame ay nakikinig
  • Sementong sahig ay niyayanig ng mga tawa't pagluha
  • Kung di man umiikot ito'y nalimot na
  • Dahil meron lamang apat na kanto itong mundong hugis parisukat
  • Di mo ko kinikibo tapik na ko ng tapik
  • Nagpadala ng puso umaasang may bumalik
  • Sanay na nga ba yung sugat sa patak ng kalamansi
  • Nung naiputan niya sariwa parin sakin yung hapdi
  • Subukan ko kayang mangyurak ng damdamin
  • Wala rin kunsensya ko naman yung uupak sa akin
  • Wala ng takas sa masamang lasa ng nicotine
  • Napapraning na rin sa tuwing may babagsak na pigurin
  • Basag na yung katahimikan sa mundo kong nasa plato
  • Detalyado kong ginuhit nang sagrado na kwadrado
  • Kusang di ko na kailangan ng matataas na grado
  • May mga mata ng kwago sa sulok ng bawat kanto
  • Marunong magpatawad pero di nakakalimot
  • Saksi ang guhit sa palad kung pano mo pinaikot
  • Sa mundo kong ito di mo na ko mabibilog
  • Tiyak lulutang yung basurang itinapon mo sa ilog
  • Ang mga butas sa pader ay nakatingin
  • Mababang kisame ay nakikinig
  • Sementong sahig ay niyayanig ng mga tawa't pagluha
  • Kung di man umiikot ito'y nalimot na
  • Dahil meron lamang apat na kanto itong mundong hugis parisukat
  • Mga makabagong aparato at teknolohiyang moderno
  • Kailangan kong magkaganon ayokong mahuli sa kwento
  • Dala dalawa na ang telepono di parin kuntento
  • Puro lamang sarili trato at pasikat sa komento
  • Alam mo bang alam nila ang buong pangalan mo kumpleto
  • Araw ng kapanganakan trabaho mo pati sweldo
  • Kasi trenta porsyentong rason kaya to inimbento
  • Para madali lang tayong matiktikan ng gobyerno
  • Kalayaan sa dayuhan ay pilit na pinaglaban
  • Para lamang maging alipin ng kahirapan
  • Parang salamangkerong pinapili ang nanonood
  • Kanan man o kaliwang kamay siya parin ang siyang nasusunod
  • Madalas tayong nauutakan ng ating napupusuan
  • Ngunit sa bawat pagbagsak ay may kapupulutan na mga aral
  • Na dapat maaga mong natututunan
  • Tulad ng di ka malaya malawak lang ang kulungan
  • Ang mga butas sa pader ay nakatingin
  • Mababang kisame ay nakikinig
  • Sementong sahig ay niyayanig ng mga tawa't pagluha
  • Kung di man umiikot ito'y nalimot na
  • Dahil meron lamang apat na kanto itong mundong hugis parisukat
  • Wala na akong ibang mahihiling pa
  • Sa sulok ng mundong ito kapiling kita o sinta
  • Bakit ba sa twing pinapalaya mo
  • Labas pasok parin ako
  • Sa bilangguang nakasanayan ko
  • Gustong kumawala ng kamalayan di sanay na palaging gala
  • Maghapong kayod ng kayod para lang may gatang mapiga
  • Minsan nga maraming daga basa maingay na talipapa
  • Kulang ata ang tamang salita upang maitama ang mga maling nagawa
  • Sa sinasabi ng iba wag ka masyadong magbabalewala
  • Marami ng buhay ang nababalewala napariwara
  • Kamatayan lang ang hindi ko alam tong part na 'to
  • Nakakatakas lang naman sa parisukat
  • Kapag nakahiga ka na sa parihaba
  • Ang mga butas sa pader ay nakatingin
  • Mababang kisame ay nakikinig
  • Sementong sahig ay niyayanig ng mga tawa't pagluha
  • Kung di man umiikot ito'y nalimot na
  • Dahil meron lamang apat na kanto itong mundong hugis parisukat
00:00
-00:00
Lihat butiran lagu
Come to join my duet!

9 0 1

2020-9-30 21:28 OPPOCPH1853

Carta hadiah

Jumlah: 0 0

Komen 0