Sa Aking Panaginip

Di matanggap na wala kana

  • Di matanggap na wala kana
  • Sa panaginip ko'y palagi kang
  • Nandun at tayo'y magkasama
  • Binabalikan ang mga nagdaan
  • Sa atin dahil di ako sanay ng wala ka
  • Magkahawak kamay naglalakad sa tabing dagat
  • Tirik man ang araw parang parang langit pagnakayakap
  • Ako sa iyo tapos nakahawak ka saking braso
  • Nangangarap habang nakatingin tayo sa malayo
  • Ang dami kong hiling ang damikong gustong gawin
  • Mga bagay upang pag ibig ko'y lalo mong damdamin
  • Gusto ko yung ganito yung hawak ko ang yong kamay
  • Magkaakbay parang wala na yatang papantay
  • Sa pintig na kakaiba na hatid mo sa akin
  • Ako'y ganado pag ikaw ang kasabay kong kumain
  • Ang yong halik na ang dulot ay ngiti naabot tenga
  • Kaligayahan na di kayang mabibili ng pera
  • Di ko kayang isipin ang buhay ng di ka kasama
  • Naiisip ko palang ako'y parang maluluha na katabi kita
  • Pero bat ganito ang pakiramdam nalulungkot parin ako
  • At labis na nasasaktan
  • Di matanggap na wala kana
  • Sa panaginip ko'y palagi kang
  • Nandun at tayo'y magkasama
  • Binabalikan ang mga nagdaan
  • Sa atin dahil di ako sanay ng wala ka
  • Ating kamay ay pinag isa at ikinorteng puso
  • Tanda ng pag iibigan nating hindi susuko
  • Sa kahit anong hamon sa ating pagsasamahan
  • Tumanda man tayo hinding hindi magkakasawaan
  • Gusto ko yung ikaw ay lagi kong sinusurpresa
  • Walang imposible pag dating sayo aking prinsesa
  • Dito tayo sa gitna ng hugis pusong kandila
  • Magpapakaromantiko ako upang mapangiti ka
  • Mga litrato natin ay itatali sa mga lobo
  • Kakantahan kita kahit mejo wala sa tono
  • Maipadama ko lang kahit sa simpleng paraan
  • Kung paano kita mahalin at pahalagahan
  • Sinusummpa ko sa harapan ni ama
  • Na sa lahat ng sandali at oras ay iingatan ka
  • Pero bakit ganito ang bigat ng pakiramdam
  • Nalulungkot ako parang may problemang dinadamdam
  • Di matanggap na wala kana
  • Sa panaginip ko'y palagi kang
  • Nandun at tayo'y magkasama
  • Binabalikan ang mga nagdaan
  • Sa atin dahil di ako sanay ng wala ka
  • At biglang buhos ng ulan ang tulog ko ay naudlot
  • Panaginip lang pala sa tabi ng iyong puntod
  • Mata ko'y ipinikitpinilitmuling matulog
  • Di alintana ang patak ng luha na nahuhulog sa king mata
  • Kahit basang basa na ng ulan
  • Hindi ko kasi alam kung pano ko sisimulan
  • Ang buhay ng di kasama sinanay mo kase ko
  • Nalaging masaya at ang araw ko ay kumpleto
  • Wala na kong kasabay magsipilyo
  • Wala ng makulet na laging uupo dito sa binti ko
  • Wala na akong ka subuan kapag kumakain
  • Sa tuwing a trese wala na kong susurpresahin
  • Wala na akong bibigyan ng bulaklak
  • At yayakapin sa harapan ng mga taong pumalakpak
  • Wala na ang babaeng habang buhay kong mamahalin
  • Lahat ng yan ay tanging sayo ko lamang kayang gawin
  • Di matanggap na wala kana
  • Sa panaginip ko'y palagi kang
  • Nandun at tayo'y magkasama
  • Binabalikan ang mga nagdaan
  • Sa atin dahil di ako sanay ng wala ka
  • Di matanggap na wala kana
  • Sa panaginip ko'y palagi kang
  • Nandun at tayo'y magkasama
  • Binabalikan ang mga nagdaan
  • Sa atin dahil di ako sanay ng wala ka
00:00
-00:00
ดูรายละเอียดเพลง
Come to join my Duet ☺️☺️☺️

66 4 1530

2021-12-26 18:54 OPPOCPH1803

ชาร์ตของขวัญ

รวม: 4 102

ความเห็น 4