Paglisan

Bakit pa kailangan na masaktan

  • Bakit pa kailangan na masaktan
  • Ang puso kong ito sa iyong paglisan
  • Hapdi ang syang naramdaman
  • Hindi na ba maibabalik ang lahat ng ating nakaraan
  • Dahil ba sa huli na ang lahat sayo'y paalam
  • Sa pagkawala ng relasyon na aking iningatan
  • Na ngayon ko lang naramdaman at aking naranasan
  • Ang umibig ng lubos at ibigay ko ang lahat
  • Tinatanong saking sarili kung hindi pa ba sapat
  • Ang lahat ng ginawa ko para lamang sa iyo
  • Bakit kailangan mangyari pa ang mga ganito
  • Pilit na inaalala mga bagay na nangyari
  • Saking puso at sa isip kalungkutan ang naghari
  • At naghiwalay tayo na di man lang nakapag usap
  • Hanggang sa huling sandali wala ng pangungusap
  • Na lumalabas sa labi mo na gusto kung malaman
  • Kung bakit nagkaganto at bakit mo ko iniwanan
  • Dahil ba sa sabi-sabi at mga bali-balita
  • Di mo na ko tinanong at tuluyan kang naniwala
  • Sinira mo ang tiwala at akoy tinalikuran
  • Bakit kailangan kung masaktan sa iyong paglisan
  • Bakit pa kailangan na masaktan
  • Ang puso kong ito sa iyong paglisan
  • Hapdi ang syang naramdaman
  • Hindi na ba maibabalik ang lahat ng ating nakaraan
  • Dahil ba sa huli na ang lahat sayo'y paalam
  • Lumipas nga ang panahon at mga sandaling wala ka
  • 'Di na ko umasang babalik ka pa pagkat wala na
  • Ngang pag asa kahit na akoy magsisi at lumuha
  • 'Di na mabilang ang tubig na ipinatak sa lupa
  • Gustuhin ko man na ibalik hindi na maari
  • Pagkat sa puso mo ay meron ng nag mamay-ari
  • At alam ko na kayong dalawa ay nagmamahalan
  • Tiniis ko ang sakit at hindi na kitang pinigilan
  • Ilang beses kung niloko ang sarili kong ito
  • Na kaya kong mabuhay kahit na wala sa piling mo
  • Ngunit hindi pa rin sapat ang maging manhid na lang
  • Upang itago ang nadarama't tuluyang maibsan
  • Nadama ko na may kulang pa sa aking pagtayo
  • 'Yun ay di ko maabot dahil sayong paglayo
  • Alam kong di mo na pakikinggan kahit na isigaw
  • Walang ibang kulang sa buhay ko mahal kung di ikaw
  • Bakit kailangan humantong
  • Sa hiwalayan ng lahat
  • Ang nangyari sa relasyon natin hindi ko matangap
  • Hindi ako nagkamali at nag kulang sayo sinta
  • Ngunit anung isinukli iniwan mong nag-iisa
  • Bakit pa kailangan na masaktan
  • Ang puso kong ito sa iyong paglisan
  • Hapdi ang syang naramdaman
  • Hindi naba maibabalik ang lahat ng ating nakaraan
  • Dahil ba sa huli na ang lahat sayo'y paalam
  • Naghiwalay tayo na kapwa'y may samaan ng loob
  • At di man lang ako nakaangat sa aking pag lubog
  • Hanggang sa huling sandali di man lang nakapagpaalam
  • Katagang nais sabihin hindi ko man lang nabitawan
  • Na sana'y mag-iingat ka sa lahat ng sandali
  • Di na ko muling hahabol at magbabakasakali
  • Na maibalik ang dati at makapiling sa t'wina
  • Ang isang katulad mo pagkat wala na ngang pag-asa
  • At hindi talaga tayo ang itinakda ng diyos
  • Kaya ang pagsasama natin ay maagang nagtapos
  • Bakit kailangan ko pang masaktan sa iyong paglisan
  • 'Di ko lubos maisip bat ganito ang kapalaran
  • Bago magtapos ang awit ko sana'y malaman mo
  • Na wala na akong ibang inibig kundi ang katulad mo
  • Ngayong tapos na ang lahat pati ang awiting kong ito
  • Salamat pagkat naging bahagi ka ng buhay ko
  • Bakit pa kailangan na masaktan
  • Ang puso kong ito sa iyong paglisan
  • Hapdi ang syang naramdaman
  • Hindi naba maibabalik ang lahat ng ating nakaraan
  • Dahil ba sa huli na ang lahat sayo'y paalam
  • Bakit pa kailangan na masaktan
  • Ang puso kong ito sa iyong paglisan
  • Hapdi ang syang naramdaman
  • Hindi naba maibabalik ang lahat ng ating nakaraan
  • Dahil ba sa huli na ang lahat sayo'y paalam
00:00
-00:00
查看作品詳情
join me

15 0 875

2019-7-3 12:03 OPPOCPH1803

禮物榜

累計: 0 0

評論 0