Balita

Lapit mga kaibigan at makinig kayo

  • Lapit mga kaibigan at makinig kayo
  • Akoy may dala dalang balita galing sa bayan ko
  • Nais kong ipamahagi ang mga kwento
  • At mga pangyayaring nagaganap sa lupang pinangako
  • Ako ay pilipino sa isip at sa gawa
  • Ngunit bakit mga pinuno puro lamang salita
  • Isang gobyerno na kayang sikmurain at magtawanan
  • May pamilyang kumakain na kulang sa dalawang
  • Beses sa isang araw minsan wala pang pang lugaw
  • Bakit ganito kababaw isang pagkaing nilangaw
  • Ang dadamputin at kakainin ng batang gutom
  • Alam ba ng mga husgado at lahat ng hukom
  • Na merong mas masahol pa sa hatol na kamatayan
  • Yan ay ikay maging mahirap sa sarili mong bayan
  • Mga bata na ang dapat na ginagaway maglaro
  • Bagkus ay agos ng pawis at magbanat ng buto
  • Upang kumita ng ilang pirasong pisong madungis
  • Kalyo sa kamay at paa na manhid sa matulis
  • Hindi manika ang hawak ng kanyang mumunting braso
  • Bagkus isang taong gulang nyang kapatid at may baso sa harapan
  • Na nagbabakasakaling lagyan baryang pambili ng tinapay na pang laman sa tiyan
  • Mga pinunong bago mamatay at magkasakit
  • Sa sarap ng buhay sakin kayo ay makinig
  • Duul mga kaigsuunan ugpami naw kamo
  • Duna koy dala nga mga balita gikan sa banwa ko
  • Gusto ko nga ipahibalo ang mga istorya
  • Na naga gahitabo sa banwa gisaad na to
  • Mga bakal na dumudura ng apoy at ng tingga
  • Tangan tangan at balot nakasuot ng pang digma
  • Bakit di mapag tugma ang mayaman at dukha
  • Sa pananaw ang kapalit ay hapis at pag luluksa
  • Pare-parehong sundalo muslim man o kristyano
  • Ilan man ang masawi di mo alam sinong panalo
  • Walang panalo dahil sa huli tayo ang talo
  • Pinoy ang nasa loob ng ataul na sinarado
  • Yan ba talaga ang sumpa dito sa lupang
  • Pinangako respetot pagmamahalan ay pilit na tinatago
  • Lawin hindi maka dapo may pakpak na limitado
  • At naka kulong sa seldang may walang susing kandado
  • Kaylan kaya matatapos ang pag agos ng dugo
  • At ang kpayapaay mahawakan ng buong buo
  • Yan ba ang kwento o tanong na pilit na humahawi
  • Sa bawat taong bahagi ng watawat na hinapi
  • Duul mga kaigsuunan ugpami naw kamo
  • Duna koy dala nga mga balita gikan sa banwa ko
  • Gusto ko nga ipahibalo ang mga istorya
  • Na naga gahitabo sa banwa gisaad na to
  • Lapit mga kaibigan at makinig kayo
00:00
-00:00
查看作品详情
Tara, collab tayo .. #Gloc9Hits

14 0 1160

2019-9-26 07:35 HUAWEIATU-L22

礼物榜

累计: 0 5

评论 0