P's Song

'Di ko alam kung pano sisimulan

  • 'Di ko alam kung pano sisimulan
  • Itong aking tula medyo mahirap hirap ang
  • Maglahad ng nararamdaman kasabay ng beat
  • Pero kailangan ilabas nilulumot kong sikreto
  • Nung una kitang makita
  • Ika'y nakaupot umiiyak tapat ng aming eskinita
  • At parang mukha kang depressed non
  • At iniisip ko baka ikaw ay ninakawan ng cellphone
  • At diba tinanong ko ang iyong pangalan
  • Sabi mo hindi ka interesado sabi ko wag na nga lang
  • Suplada ayaw magpakilala
  • Pagkaraan ng isang oras ay sinundo ka ng iyong syotang
  • Naka kotse kagalang-galang
  • Ako'y pobre ngunit utak ay mayaman
  • Kung naging sakin ka lamang di kita iiwan
  • Hanggang sa huli ikaw ay aking aalagaan
  • Woaah woaah
  • Hindi kita iiwan dadalhin ka sa sukdulan kapit lang
  • Woaah woaah
  • Hindi kita iiwan dadalhin ka sa sukdulan kapit lang
  • Oh ikaw ba yon ang sexy at san kaya punta
  • Nalalanghap ko rito banda ang sampaguita
  • Yung pabango kahit ako'y pango amoy kita
  • Habang tinitignan ko ang kislap ng iyong mga mata
  • Ngunit ito'y nawawala sa tuwing ako'y lalapit na
  • Di naman kita babastusin ba't nagagalit ka
  • Ibibigay ko lang 'tong panyo mo nahulog mo yata
  • Pang punas ng luha kung di ka bagsakan ng grasya
  • Tinatanong ko muli ang iyong pangalan
  • Di ka sumasagot patay malisya lamang
  • Ako ay nalungkot dalawang beses na yatang
  • Dinededma ang tanong na 'to ngunit parang
  • Di ka masaya sa tuwing kasama mo sila
  • Sila sila sila oo
  • Iba't-ibang mukha
  • Sumusundo sayo at pawang naka kotse pa
  • Sige ingat sayo hintayin ko ang iyong pagbaba
  • Woaah woaah
  • Hindi kita iiwan dadalhin ka sa sukdulan kapit lang
  • Woaah woaah
  • Hindi kita iiwan dadalhin ka sa sukdulan kapit lang
  • Bakit ba ang hilig mo sa iba't-ibang mga lahi
  • Nagpapaalipin ka sa kung kani-kaninong hari
  • At masaya ka raw kunwari ugh
  • At nakatiis ka sa pinaka mabahong ugali
  • Putanginang mga dayuhan na yan
  • At ika'y walang sawang pinagsamantalahan
  • Ngunit wala lang sayo yon dahil dun ka nakakakuha ng
  • Luho mo at balang araw ay kanyang huhubaran
  • Hanggang sa wala ka nang ibang mapupuntahan
  • Kukunin nila lahat sayo kahit pa piso man yan
  • Hanggang sa wala ka ng madudukot sa iyong bulsa
  • Kundi ang iyong dignidad pati pamato't panabla
  • Hangad ko lamang ay makilala ka
  • Bakit ba kailangan papahirapan pa
  • Ako
  • Biglang tumulo luha mo sabay punas sabi mo
  • Pangalan ko pala ay Pilipinas
  • Woaah woaah
  • Ay Pilipinas
  • Hindi kita iiwan dadalhin ka sa sukdulan kapit lang
  • Di di
  • Hindi kita iiwan
  • Woaah ey
  • Kapit lang kapit lang kapit lang
  • Hindi kita iiwan dadalhin ka sa sukdulan kapit lang
  • Kapit lang kapit lang kapit lang
  • Dadalhin ka sa sukdulan kapit lang
00:00
-00:00
查看作品详情
Let's hear it!

88 6 1

2020-11-27 12:12 红米5 Plus

礼物榜

累计: 0 11

评论 6