Himig Ng Pag-Ibig

Eto ang awit ng pag ibig

  • Eto ang awit ng pag ibig
  • Ikaw ay makinig sa tinig
  • Pagmamahalang abot langit
  • Kasing saya ng ibong humihimig
  • Nagmamahalang tunay
  • May buhay na makulay
  • Pangako sa isa't isa'y kahit na kailan pa ma'y
  • Hindi na maghihiwalay
  • Sa pagsapit ng dilim
  • Ako'y maghihintay pa rin
  • Sa iyong maagang pagdating
  • Pagkat ako'y nababalisa kung 'di ka kapiling
  • Bawat sandali mahalaga sa akin
  • Mahal kong sinta kumusta kana
  • Ako'y may kaba buhat ng umalis ka
  • Nung isang buwan ay sinulatan kita
  • Ngunit hanggang ngayon ang sagot mo'y
  • Wala pa nag aantay ang ating mga anak
  • Kaming lahat ay sabik sayong yakap
  • Mula ng madistino ka sa probinsya
  • 'Di ako mapakali 'pag wala ka
  • Naaalala mo pa ba ang
  • Masaya natin na nakaraan
  • 'Di ba't pangako mo sa akin pagtapos ng laban
  • Kami ay agad mong babalikan
  • Lagi mo nalang pinagtatanggol ang bayan
  • Matapang na humaharap sa digmaan
  • Pagmamahalan 'wag sanang matabunan
  • Ng mga luha at ng kalungkutan
  • Sana'y makabalik ka ng ligtas
  • 'Yan ang laging dalangin sa taas
  • Alam kong may tungkulin ka sa batas
  • At hindi ka pwedeng basta kumalas
  • Gayon pa man aantayin ko pa rin
  • Ang iyong maagang pagdating
  • Hanggang sa umangat man ang araw
  • At maging sa pagkagat ng dilim
  • Mga bakal may mainit na bala
  • Pagsabog ng mga granada at bomba
  • 'Yan lang mga madalas mong makasama
  • Laging dalagangit san man magpunta
  • Ang sulat ko sana'y iyong sagutin
  • Upang mabawasan ang kaba sa damdamin
  • Pagmamahal ko ay iyong baunin
  • At dinggin ang aking hiling
  • Tulad ng ibong malaya ang pag ibig natin
  • Tulad ng langit na kay sarap marating
  • Ang bawat tibok ng puso kay sarap damhin
  • Tulad ng himig na kay sarap awitin
  • Ako ay nagulat at ang paningin ay tulala
  • Nang bigla kang dumating
  • Tuluyang tumulo ang aking luha
  • Ika'y hinatid nila sa akin
  • Kasama ng sulat mong aking binasa
  • Habang ika'y nasa aking harapan
  • Parang leeg ko'y nakakadena
  • Sa iyong sulat sinabe mo na
  • Mahal na mahal kita aking asawa
  • Pati na ang dalawang mga bata
  • Sila ay busugin mo sa alaga
  • Kung sakali man ako'y 'di palarin
  • At maging buhay ko ay bawiin
  • Laban sa rebeldeng kapwa pinoy
  • Digmaan dito ay umaapoy
  • Lagi mo lamang na tatandaan
  • Pag ibig ko sa'yo ay walang hanggan
  • Dadalhin hanggang sa kalangitan
  • 'Wag malungkot at ikaw ay maging matapang
  • At dapat handa ka sa hamon ng buhay
  • Nandito lang ako at nakapatnubay
  • 'Yan lamang at ang tangi kong mga hiling
  • Pangako ko lagi kang mamahalin
  • 'Yan ang iyong liham na aking nabasa
  • Sundalo ng buhay ko mahal kita
  • Pag ibig ko sayo'y walang kapalit
  • Nang nagbalik ka ay napakasakit
  • Ika'y umalis sa aming nakatayo pa
  • Dumating ka bakit nakahiga na
  • Nakabalot sa kumot na puti
  • Damang dama ko ang sakit at hapdi
  • At ngayong ikaw ay nagbalik sa aking piling
  • Luha ng pag ibig kay sarap haplusin
  • Tulad ng tubig sa batis hinahagkan ng hangin
  • Pag ibig ang ilaw sa buhay natin
  • Tinatanong ko ang aking sarili
  • Bakit sa akin pa ito nangyari
  • Lumuluha ang aking damdamin
  • Nang ako ay iyong lisanin
  • Ngunit pagkakataon para
  • Ikaw ay aking mahawakan
  • At habang hawak ko ang iyong kamay
  • Awitin ang himig nang magkasabay
  • Tulad ng ibong malaya ang pag ibig natin
00:00
-00:00
View song details
Duet na

21 2 1

2021-11-16 18:27 OPPOCPH1909

Gifts

Total: 0 0

Comments 2