Himig ng Pag-ibig

Eto ang awit ng pag ibig

  • Eto ang awit ng pag ibig
  • Ikaw ay makinig sa tinig
  • Pagmamahalang abot langit
  • Kasing saya ng ibong himihimig
  • Nagmamahalang tunay
  • May buhay na makulay
  • Pangako sa Isa't isa'y kahit na kailan pa ma'y
  • Hindi na maghihiwalay
  • Sa pagsapit ng dilim
  • Ako'y naghihintay parin
  • Sa iyong maagang pagdating
  • Pagkat ako'y nababalisa
  • Kung 'Di ka kapiling
  • Bawat sandali
  • Mahalaga
  • Sa akin
  • Mahal kong sinta
  • Kumusta kana
  • Ako'y may kaba buhat ng umalis ka
  • Nung isang buwan ay sinulatan kita
  • Ngunit hanggang ngayon ang sagot mo'y
  • Wala pa nag aantay ang ating mga anak
  • Kaming lahat ay sabik sa iyong yakap
  • Mula ng madistino ka sa probinsya
  • 'Di ako mapakali 'Pag wala ka
  • Naaalala mo pa ba ang
  • Masasaya natin na nakaraan
  • 'Di ba't pangako mo sa akin pagtapos ng laban
  • Kami ay ka agad mong babalikan
  • Lagi mo nalang pinagtatanggol ang bayan
  • Matapang na humaharap sa digmaan
  • Pagmamahalan 'Wag sanang matabunan
  • Ng mga luha
  • At kalungkutan
  • Sana'y makabalik ka ng ligtas
  • Yan ang laging dalangin sa taas
  • Alam kong may tungkulin ka sa batas
  • At hindi ka pwedeng basta kumalas
  • Gayon pa man aantayin ko parin
  • Ang iyong maagang pagdating
  • Hanggang sa umangat man ang araw
  • At maging sa pagkagat ng dilim
  • Mga bakal may mainit na bala
  • Pagsabog ng mga granada at bomba
  • Yan ang madalas mong makasama
  • Laging dalagangit san man magpunta
  • Ang sulat ko sana'y iyong sagutin
  • Upang mabawasan ang kaba sa damdamin
  • Pagmamahal ko ay iyong baunin
  • At dinggin ang aking hiling
  • Tulad ng ibong malaya
  • Ang pag ibig natin
  • Tulad ng langit
  • Na kay sarap
  • Marating
  • Ang bawat tibok ng puso
  • Kay sarap damhin
  • Tulad ng himig na kay sarap
  • Awitin
  • Ako ay nagulat at ang paningin ay tulala
  • Nang bigla kang dumating
  • Tuluyang tumulo ang aking luha
  • Ika'y hinatid nila sa akin
  • Kasama ng sulat mong aking binasa
  • Habang ika'y nasa aking harapan
  • Parang leeg ko'y nakakadena
  • Sa iyong sulat sinabe mo na
  • Mahal na mahal kita aking asawa
  • Pati na ang dalawang mga bata
  • Sila ay busugin mo sa alaga
  • Kung sakali man ako'y 'Di palarin
  • At maging buhay ko ay bawiin
  • Laban sa rebeldeng kapwa pinoy
  • Digmaan dito ay umaapoy
  • Lagi mo lamang na tatandaan
  • Pag ibig ko sa'yo ay walang hanggan
  • Dadalhin hanggang sa kalangitan
  • 'Wag malungkot at ikaw ay maging matapang
  • At dapat handa ka sa hamon ng buhay
  • Nandito lang ako at nakapatnubayan
  • Lamang at ang tangi kong mga hiling
  • Pangako ko lagi kang mamahalin
  • 'Yan ang iyong liham na aking nabasa
  • Sundalo ng buhay ko mahal kita
  • Pag ibig ko sayo'y walang kapalit
  • Nang nagbalik ka ay napakasakit
  • Ika'y umalis sa aming nakatayo pa
  • Dumating ka bakit nakahiga na
  • Nakabalot sa kumot na puti
  • Damang dama ko ang sakit at hapdi
  • At ngayong ikaw ay
  • Nagbalik
  • Sa aking piling
  • Luha ng pag ibig kay sarap
  • Haplusin
  • Tulad ng tubig
  • Sa batis
  • Hinahagkan ng hangin
  • Pag ibig
  • Ang ilaw
  • Sa buhay natin
  • Tinatanong ko ang aking sarili
  • Bakit sa akin pa ito nangyari
  • Lumuluha ang aking damdamin
  • Nang ako ay iyong lisanin
  • Huling pagkakataon para
  • Ikaw ay aking mahawakan
  • At habang hawak ko ang iyong kamay
  • Awitin ang himig nang magkasabay
  • Tulad ng ibong malaya
  • Ang pag ibig natin
  • Katulad din ng langit
  • Na kay sarap
  • Marating la la la la
  • Ang bawat tibok ng puso
  • Kay sarap damhin
  • Tulad ng himig
  • Ng pag ibig
  • Natin la la la la la
00:00
-00:00
Xem chi tiết bài hát
Let's listen to my solo!

19 0 8793

2021-6-11 02:17 Redmi 9

Quà

Tổng: 0 1

Bình luận 0