Shanti Dope

Andami dami daming maiingay dun sa amin

  • Andami dami daming maiingay dun sa amin
  • O kay tagal ko na nag iikot para hanapin
  • Kung sinong sumusulat at humihingang malalim
  • At' di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing
  • Gandang umaga haring araw
  • Tulala sa kaning bahaw
  • Pang amoy na nabusog sa lumalapang
  • Alingasaw ng kalyeng kairitang halayang ininit lang
  • Tiis lang ang lasa parang minumog na sinigang
  • Pasok sa paaralan ganon pa din pag uwi
  • Dakilang tagahiwalay ng dekolor sa puti
  • Poso na nagturo sa'king pa'no humingang malalim
  • Lumaki na gutom lamang ang' di kayang kalabanin
  • Mababad man sa gawaing bahay
  • Laging nangunguna pag nakahawak ng pluma ay nag iibang anyuan
  • Ani mo'y sinaniban ni buddah shiva garuda kristo medusa
  • Dami ng duda dumami din ang mga balahibo na mas pinatayo
  • Andami dami daming maiingay dun sa amin
  • Bibihira kung dalawin ng grasya't sariwang hangin
  • Sa dami ng bukambibig kung nakakulong lang sa silid
  • Mikropono lang pala ang kailangan upang ako'y madinig
  • Andami dami daming maiingay dun sa amin
  • O kay tagal ko na nag iikot para hanapin
  • Kung sinong sumusulat at humihingang malalim
  • At' di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing
  • Andami dami daming maiingay dun sa amin
  • O kay tagal ko na nag iikot para hanapin
  • Kung sinong sumusulat at humihingang malalim
  • At' di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing
  • Taas noo pa ding nakayuko
  • Salop man ay madalas mapuno
  • Sa kabila ng nagbabalak apulahin ang apoy sa pasan na sulo
  • Parang kadabuwan nakikipagbuno tuwing araw ng dalaw laging madugo
  • Ngayon man ay siniguradong makalaglag takuri kada bagong pakulo
  • Napapakapit tuko lahat ng aking kuko
  • Nakabaon ng malalim para lang hukayin ang mga diyamante sa aking bungo
  • Andami nating gusto na' di magawa pagka't ayaw nating matukso
  • Mga bagay na' di mo na pwedeng gawin
  • Kapag ka dumating na ang ating sundo
  • Pagkagaling sa eskwela rekta palit kamiseta
  • Takas sa pagkakatengga sa parisukat kong planeta
  • Sa dinamidami ng mabenta pansakit sa kabila ang tenga
  • Di na malabong sulatan ko lang ang tanging magtunog riseta
  • Andami dami daming maiingay dun sa amin
  • Mga sikmurang mistulang hindi pa kumakain
  • Sa dami ng bukambibig kung nakulong lang sa silid
  • Mikropono lang pala ang kailangan upang ako'y madinig
  • Andami dami daming maiingay dun sa amin
  • O kay tagal ko na nag iikot para hanapin
  • Kung sinong sumusulat at humihingang malalim
  • At' di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing
  • Andami dami daming maiingay dun sa amin
  • O kay tagal ko na nag iikot para hanapin
  • Kung sinong sumusulat at humihingang malalim
  • At' di hilaw ang kanin kapag siya ang nagsasaing
  • Dapat karapat dapat sya pag iiwanan mo

00:00
-00:00
Xem chi tiết bài hát

76 2 1

2020-1-24 04:13

Quà

Tổng: 0 12

Bình luận 2