Hagdan

Araw araw ay kabaliktaran ang swerte

  • Araw araw ay kabaliktaran ang swerte
  • Mukha lang inosente pero pwede mag rebelde
  • Ginagawa kong kapre ang bawat mga dwende
  • Kung minsan ang kulay pulay ginagawa kong berde
  • Nakasagutan ko si nanay
  • Si utol nakaaway
  • Hindi na ko umuuwi ng bahay
  • Nagpunta sa kapitbahay
  • Nakitulog nakitambay
  • Naki uso nakibagay
  • Naki usok nakitagay
  • Pinakain ko ng damo ang pulang kabayo
  • Paulit ulit lang umaasang may magbabago
  • Binusog ko lang lalo ang ari kong pagkatao
  • Pagnagtalo yung dalawang aso yung mabuti yung talo
  • Napalayo sa riyalidad
  • Naglalakad ako ngunit akala ko ako y lumilipad
  • Naging tamang hinala
  • Panay maling akala
  • Hinahabol ko ang tama
  • At mukhang mali na ata
  • Gusto kong maglayag
  • Gusto kong mga pangarap ko mangyari agad
  • Gusto kong lumangoy
  • Gusto kong lumipad
  • Pakiramdam ko kaya kong gawin ang lahat
  • Teka wag kang magmadali
  • Dahan dahan lang dahan dahan lang
  • Tayo ay para lang humahakbang paakyat ng hagdan
  • Ang kalaban ko ay nasa likod nakangiti
  • May inaalok siya sakin di ako makahindi
  • Di sila nakaitim bagkos nakaputi
  • Nung ako y nakatikim hindi na ko umuwi
  • Sa aking tunay na buhay
  • Humaba lang ang sungay
  • Ang patunay tunay ang lakad ko ay pasuray suray
  • Ako ay uminom ng lason kahapon
  • Umaasang yung taong yon ang nasa kabaong
  • At ako y ay nilamon ng buhawi
  • Inanod ng ugali kong sing baho ng pusali
  • Sa sobrang bangis nagawa nila akong itali
  • Ang buhay ay tungkol sa kung papano ka bumangon at bumawe
  • Sa aking pagbalik sa liwanag ay nasilaw
  • Nasanay sa silid na laging patay ang ilaw
  • At kahit na nasasabon wag na wag kang tatalon
  • Sa bawat bagyo tandaan laging may pag asa ron
  • Gusto kong maglayag
  • Gusto kong mga pangarap ko mangyari agad
  • Gusto kong lumangoy
  • Gusto kong lumipad
  • Pakiramdam ko kaya kong gawin ang lahat
  • Teka wag kang magmadali
  • Dahan dahan lang dahan dahan lang
  • Tayo ay para lang humahakbang paakyat ng hagdan
  • May araw na malas may araw ring swerte
  • Tanggap ko nang pula y hindi pwede maging berde
  • Hindi madali pero posible
  • Kung ang lahat ng bagay ay gagawin kong simple
  • May mga taong inilagay para ako y itumba
  • Isang kalabit nalang at ako y puputok na
  • Ganto ata talaga kapag ang puno ay mabunga
  • Binabato bato ng may mahulog at makuha
  • Sa aking kahinaan ay naging malakas
  • Lalo akong tumingin paloob imbis palabas
  • Isinapuso ko di ako masyadong nag isip
  • Ng kung ano ano lalo ko lang niyakap ang inip
  • At ako ay nagpasakop sa programa
  • Sa tulong ng aking mga bagong kasama
  • Ako ay nakabangon sa kama
  • Muli kong nasilayan ang isang bagong umaga
  • Gusto kong maglayag
  • Gusto kong mga pangarap ko mangyari agad
  • Gusto kong lumangoy
  • Gusto kong lumipad
  • Pakiramdam ko kaya kong gawin ang lahat
  • Teka wag kang magmadali
  • Dahan dahan lang dahan dahan lang
  • Tayo ay para lang humahakbang paakyat ng hagdan
  • Gusto kong maglayag
  • Gusto kong mga pangarap ko mangyari agad
  • Gusto kong lumangoy
  • Gusto kong lumipad
  • Pakiramdam ko kaya kong gawin ang lahat
  • Teka wag kang magmadali
  • Dahan dahan lang dahan dahan lang
  • Tayo ay para lang humahakbang paakyat ng hagdan
00:00
-00:00
View song details
Let's listen to our duet!

109 8 1668

2020-2-29 20:20 iPhone 8

Gifts

Total: 0 52

Comments 8