Ngayon

Ngayon ang simula ng hiram mong buhay

  • Ngayon ang simula ng hiram mong buhay
  • Ngayon ang daigdig mo'y bata at makulay
  • Ngayon gugulin mo nang tam’at mahusay
  • Bawat saglit at sandali
  • Magsikap ka't magpunyagi
  • Maging aral bawat mali
  • Ngayon bago it ay maging kahapon
  • Ang pagkakataon sana'y huwag itapon
  • Ikaw tulad ko rin ay may dapithapon
  • Baka ika'y mapalingon
  • Sa nagdaang bawat ngayon
  • Nasayang lang na panahon
  • Ituring mong kahapo'y waring panaginip lang
  • Ang bukas pangitain n'yang ganda'y sa isip lang
  • Kung bawat ngayon mo sa'yo ay sulit lang
  • Kayganda ng buhay ngayon
  • Sa buhay mong hiram
  • Mahigpit man ang kapit
  • May bukas na sa yo'y di na rin sasapit
  • Ngunit kung bawat ngayo'y dakila mong nagamit
  • Masasabi mong kahit na
  • Ang bukas di sumapit pa
  • Ang naabot mo'y langit na
  • Ituring mong kahapo'y waring panaginip lang
  • Ang bukas pangitain n'yang ganda'y sa isip lang
  • Kung bawat ngayon mo sa'yo ay sulit lang
  • Kaygandang buhay
  • Bukas moy matibay
  • Dahil ang sandiga'y ngayon
  • Ituring mong kahapo'y waring panaginip lang
  • Ang bukas pangitain n'yang ganda'y sa isip lang
  • Kung bawat ngayon mo sa'yo ay sulit lang
  • Kayganda ng buhay
  • Bukas mo'y matibay
  • Dahil ang sandiga'y
  • Ngayon
00:00
-00:00
View song details
Let's listen to my solo!

50 5 3145

6-3 01:47 OPPOCPH2365

Gifts

Total: 22 312

Comments 5