Patuloy

Naaalala ko pa yung mga linyang binura

  • Naaalala ko pa yung mga linyang binura
  • Ng panahong nagsisiumula sa pagmamadali ay naapura
  • Naiisip ko rin kung magiging mali ang dating sa makakapuna
  • Madaling nangamba naging alanganin sa aking kung gagawin ko pa ba
  • Sapagkat hindi lahat ay bukas mata sa isinasadula
  • Masasanay kang harapin ang mga pagtalikod nilang ipinapamukha
  • Buti nalang nakilala kita na umuunawa sa mga nilikha ko
  • Nagturo sakin na yakapin sariling tiwala pag di sigurado
  • Nakapalagay ang loob na tila tumatapik sa aking likod
  • Sa tuwing natatalo o kapag nilalamon na ng negatibong kutob
  • Ikaw ang masugid kong manonood at taga pakinig sa likha kong tunog
  • Hiniling mong manalo ako ng hindi para sa balatong kasunod
  • Isa ka sa patunay ko na sagot
  • Sa bawat insulto nila na tanong
  • Kung anong rason ang nilalaan kong panahon sa malabo ko raw maabot
  • Kaya ako sumubok kung san man patungo'y di pa matukoy
  • At ang bawat papuri mo'y naging malaking bahagi ng aking pagpapatuloy
  • Laging balanse laging hati
  • Mga papuri't pang aapi
  • Masama at mabuting naririnig
  • Ang nagpapatindig para di magapi
  • Sumbat at salamat na magkatabi
  • Magkaibang bawi at higanti
  • Sa sandali ngang pang mamaliit pa pala ang 'yong pagmamalaki
  • Laging balanse laging hati
  • Mga papuri't pang aapi
  • Masama at mabuting naririnig
  • Ang nagpapatindig para di magapi
  • Sumbat at salamat na magkatabi
  • Magkaibang bawi at higanti
  • Sa sandali ngang pang mamaliit pa pala ang 'yong pagmamalaki
  • Tandang tanda ko pa yung una mga una kong tula
  • Nung panahong nagsisimula pag pinapaboran ikinakatuwa
  • Pinipilit gawin kahit di madali binibirit ang bawat buga
  • Kapos na hininga kada mali nagsasabi na mas pag igihan ko pa
  • Kahit masakit mga pang aaping kalakip ng mithi kong dala
  • At sa halip nag papakabingi nalang at ipinipikit aking mata
  • Sa 'yong tingin ay katawa-tawa sinasalamin ko'y pagiging tanga
  • Sa napiling pangarap at bawat sinasakripisyo ko lang ay naaaksaya
  • Oras lang na katiting ang hinihingi ko sa minumungkahing kanta
  • Ngunit ang turing mo sa saglit na pakikinig ay malaking abala
  • Mga likha ko'y balewala di makatikim ng pagpapahalaga
  • Di mo maaninag ang ganda sa pagiging bulag bilang mapangmata
  • Ngunit sa kabila ng kawalan ng suporta yan ay itinuring kong tulong
  • Minsan mainam palang na pagdadamutan upang manatili lang ang gutom
  • Kaya sumusubok kung san man patungo'y di pa matukoy
  • At ang bawat pang aapi mo ay bahagi rin ng aking pagpapatuloy
  • Laging balanse laging hati
  • Mga papuri't pang aapi
  • Masama at mabuting naririnig
  • Ang nagpapatindig para di magapi
  • Sumbat at salamat na magkatabi
  • Magkaibang bawi at higanti
  • Sa sandali ngang pang mamaliit pa pala ang 'yong pagmamalaki
  • Laging balanse laging hati
  • Mga papuri't pang aapi
  • Masama at mabuting naririnig
  • Ang nagpapatindig para di magapi
  • Sumbat at salamat na magkatabi
  • Magkaibang bawi at higanti
  • Sa sandali ngang pang mamaliit pa pala ang 'yong pagmamalaki
00:00
-00:00
View song details
bulol bulol pero patuloy hahahaha

153 4 1

2020-5-20 22:23 vivo 1906

Gifts

Total: 0 14

Comments 4