Materyal

Ibibigay sa'yo lahat ng gusto mo

  • Ibibigay sa'yo lahat ng gusto mo
  • Karangyaan kayamanan na pwede mong hawakan
  • Dito sa ibabaw ng mundo
  • Sabi ng mapagsamantalang damdaming pansamantala
  • Na ako nga daw ay hangal dahil sa pagmamahal
  • Na di kayang tumbasan ng kahit na ano mang materyal
  • Dati nasa panaginip lang ang binibini na na
  • Naging rason ng kada gising ko sa umaga
  • Kung magmahal kakalangita'y nagiging kama
  • Parang gabi-gabi kung makasiping ko si darna
  • Pag ika'y kayakap mas lalo kong nalalaman
  • Ang ibig sabihin ng kayamanan
  • Kahit na halaga man ng pambayad upa sa aming tahanan
  • Ay presyo lang ng nasa mesa nila tuwing agahan
  • Bagong telepono magara na sapatusan
  • Ayun ay 'di ko maibibigay ang iyong layaw
  • Pagkat ang kaya ko lang ay ipadama sayo
  • Na laging ikalabing apat ng Pebrero kada araw
  • Halik mo ay di kayang tuldukan
  • Ng tamis na daig pananim sa tubuhan
  • Di ka man mahandugan kahit maski pandesal
  • Pag-ibig ko ay hindi kayang tumbasan ng ano mang materyal
  • Ibibigay sa'yo lahat ng gusto mo
  • Karangyaan kayamanan na pwede mong hawakan
  • Dito sa ibabaw ng mundo
  • Sabi ng mapagsamantalang damdaming pansamantala
  • Na ako nga daw ay hangal dahil sa pagmamahal
  • Na di kayang tumbasan ng kahit na ano mang materyal
  • Pasensya kung minsanan na lamang kita dalawin
  • Madalas lang talaga 'kong kailanganin dun sa amin
  • Bakit wala kang kibo tuwing ikaw ay yayakapin
  • Makasibat na nga nanlalamig ka na ba sakin
  • Nako sana wag naman gustuhin ko mang agaran
  • Na dalawin kaso baka kumot mo'y nasa labahan pa
  • Wag kang mag-alala sa aking kalagayan
  • Sa ngayon ay kaya ko ng ibigay sa'yo ang kalawakan
  • Habang nakahiga't magkahawak ang kamay
  • Labi mo'y tanging sa pisngi ko lang nakalagay
  • Tawanan hanggang sa mag-umaga
  • Mapa kahirapan ay kasama mo akong umaray
  • Katabi ka hanggang sa kayamanan malulong
  • Mga bagay na sana nagawa pa natin noon
  • Kung 'di ako makatulog na nagmamaneho't gisingin
  • Ang dalawang ilaw na sakin pasalubong
  • Ibibigay sa'yo lahat ng gusto mo
  • Karangyaan kayamanan na pwede mong hawakan
  • Dito sa ibabaw ng mundo
  • Sabi ng mapagsamantalang damdaming pansamantala
  • Na ako nga daw ay hangal dahil sa pagmamahal
  • Na di kayang tumbasan ng kahit na ano mang materyal
  • Kung nandirito ka lang ay nasa langit na ako malamang
  • Kahit ang kaya ko lang iparamdam sayo'y malamig na hangin
  • 'Di ka man kayang yakapin nagawa kang tabihan
  • Ng ako lang ang may alam
  • Kung nandirito ka lang ay nasa langit na ako malamang
  • Kahit ang kaya ko lang iparamdam sayo'y malamig na hangin
  • Di ka man kayang yakapin nagawa kang tabihan
  • Ng ako lang ang may alam may alam
  • Ibibigay sa'yo lahat ng gusto mo
  • Karangyaan kayamanan na pwede mong hawakan
  • Dito sa ibabaw ng mundo
  • Sabi ng mapagsamantalang damdaming pansamantala
  • Na ako nga daw ay hangal dahil sa pagmamahal
  • Na di kayang tumbasan ng kahit na ano mang materyal
00:00
-00:00
Lihat rincian lagu
M A T E R Y A L Need Chorus mga lods 😊😊

19 4 1349

2020-12-3 13:32 samsungSM-G610Y

Tangga lagu hadiah

Total: 0 0

Komentar 4