Hiram Na Buhay

Sa lupa nagmula doon din magwawakas

  • Sa lupa nagmula doon din magwawakas
  • Ang bawat nilikhay di alam ang bukas
  • Sa mata ng Diyos tulad natiy burak
  • Doon ka niya nilikha doon ka rin babagsak
  • Nang ikay likhain ano ang alam mo
  • Kung di ang umiyak paglitaw sa mundo
  • Binigyan ng isip buong pagkatao
  • Upang siyang lumikha ng landas sa mundo
  • Panay panglalamang at pang aabuso
  • Magtaksil magnakaw pumatay ng tao
  • Ano mang dahilan bat nagyari ito
  • Hindi ang may likha ang nagutos nito
  • Sa mata ng Diyos ang lahat ng tao
  • Pagdating ng araw hahatulan tayo
  • Iwaksi sa isip itong kasabihan
  • Buhay ang inutang siya ring kabayaran
  • Kung sayo mangyari sanay wag magdamdam
  • Huwag sisihin ang Diyos sayong kasalanan
  • Ang lahat ng salay tao ang may gawa
  • Ang lahat ng mali sa atin isisi
  • Tayong nagkasala tayo ang marupok
  • Nadala sa tuksong diablo ang nagutos
  • Ano ba ang dapt na ditoy masunod
  • Batas ba ng tao o batas ng Diyos
  • Oot nagkamali nagkasalang lubos
  • Sapat bang bawiin ang buhay na handog
  • Buhay na taglay moy sa Diyos mo hiniram
  • Ang pagbawi ditoy di nyo karapatan
  • Hintayin mong siyang magtakda ng araw
  • Kung kukunin na niya ang buhay na hiram
  • Hintayin mong siyang magtakda ng araw
  • Kung kukunin na niya ang buhay na hiram
00:00
-00:00
Xem chi tiết bài hát
Let's listen to my solo!

53 20 2849

1-10 17:38 INFINIX MOBILITY LIMITEDInfinix X659B

Quà

Tổng: 7 253

Bình luận 20