Atik Laham

Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon

  • Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon
  • Kung ang matatanaw ko ay ang hinaharap sa paglingon
  • Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon
  • Sasabihin ko na minamahal kita
  • Nahukay ang pantay na lupa
  • Nagalisan ang mga tao
  • Tumigil ang iyakan na di kailangan ng kabaong
  • At mga ilaw na may sindi kahit tanghaling tapat
  • Talulot ng mga bulaklak sa sahig kalat kalat
  • Sinoli sa funeraria ang hiniram na bentilador
  • Sinabing di na namin kailangan ng embalsamador
  • Tumigil ang pagdurugo naghilom ang mga sugat
  • Ang mga nayuping bakal ay dahan dahang naunat
  • Walang naulat na nasawi o kahit nasaktan
  • Lumabas sa ospital na saki'y pinagdalhan
  • At sa loob ng sasakyan sa kalsada'y walang sagabal
  • Ang dating mabilis na takbo ng kotse'y bumagal
  • Alam ko ako'y galit bakit ngayon ay huminahon
  • Pilit kong tinatandaan anong nangyari kahapon
  • Dumating ako sa amin walang tao sa labas
  • Nang biglang ang nakasarang pintuan ay bumukas
  • Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon
  • Kung ang matatanaw ko ay ang hinaharap sa paglingon
  • Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon
  • Sasabihin ko na minamahal kita
  • Pumasok sa loob ng bahay ngunit bakit ang tahimik
  • Iba ang pakiramdam parang ako'y nananaginip
  • Nang aking nakita kinilabutan ako'y napapikit
  • Umiikot ang segundo sa relo ng pabalik
  • Lumapit ang aking anak kumapit sa aking kamay
  • At sinabi sakin buti bumalik ka itay
  • Kawawa naman si inay nasa kwarto walang kasama
  • Lumakad at pinuntahan ko ang aking asawa
  • Nakalupagi sa sahig matay namumugto
  • Hindi ko malilimutan ang mga sumunod na yugto
  • Mga nagkabasag basag na salamin ay nabuo
  • At umaagos na luha sa kanyang matay natuyo
  • Bakit hindi kumikibo di naman nagbibiro
  • Ako'y kanyang minasdan tingi'y hindi lumiliko
  • Bigla kong naalala ang sigawan at ang tulakan
  • Parang balong puno ng tubig lahat ay natandaan
  • Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon
  • Kung ang matatanaw ko ay ang hinaharap sa paglingon
  • Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon
  • Sasabihin ko na minamahal kita
  • Alas kwatro ng madaling araw ay umuwing lasing
  • Dinadaan daanan lang kita't hindi pinapansin
  • Hindi mo na kayang tiisin parang mata na may puwing
  • Nang ako'y iyong tanungin aking paningin ay nag dilim
  • Parang malapot na dura ang lumabas na salita
  • Aking sagot sa iyong tanong ay kumikirot na pasa
  • Ako'y lumayas tumakas maangas ang pagmumukha
  • Na parang ahas matalas ang malas kapag tumuka
  • Halos wala nakong buhay nang ako'y datnan sa ospital
  • Gusto lo lang malaman mo kung pwede lang mangumpisal
  • Paano magumpisa aminin bawat isa
  • Pagtalikod sa pangako natin sa isa't isa
  • Sating pag sasama ika'y aking isinantabi
  • Ngunit sa kabila ng lahat ika'y nasaking tabi
  • Mahirap o madali umaga man o gabi
  • Ang ako'y napagsilbihan hindi ka nagmamadali
  • Alam kong lahat ng nagawa ko sa iyo'y kabaliktaran
  • Ng tunay kong naramdaman para sa iyo nasayang lang
  • Nais ko mang malaman mo ngunit lahat ay huli na
  • Bago masabi ako'y nalagutan ng hininga
  • Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon
  • Kung ang matatanaw ko ay ang hinaharap sa paglingon
  • Kung maibabalik ko lang ang takbo ng panahon
  • Sasabihin ko na minamahal kita
  • Sasabihin ko na minamahal kitkitkita
00:00
-00:00
ดูรายละเอียดเพลง
Come to join my duet!

37 2 1

2020-5-31 08:41 OPPOCPH1937

ชาร์ตของขวัญ

รวม: 0 7

ความเห็น 2