Bahay

Isang araw ako'y nadalaw sa bahay tambakan

  • Isang araw ako'y nadalaw sa bahay tambakan
  • Labinglimang mag anak ang duo'y nagsiksikan
  • Nagtitiis sa munting barung barong na sira sira
  • Habang doon sa isang mansyon halos walang nakatira
  • Sa init ng tabla't karton sila doo'y nakakulong
  • Sa lilim ng yerong kalawang at mga sirang gulong
  • Pinagtagpi tagping basurang pinatungan ng bato
  • Hindi ko maintindihan bakit ang tawag sa ganito
  • Ay bahay
  • Sinulat ko ang nakita ng aking mga mata
  • Ang kanilang kalagayan ginawan ko ng kanta
  • Iginuhit at isinalarawan ang naramdaman
  • At sinangguni ko sa mga taong marami ang alam
  • Isang bantog na senador ang unang nilapitan ko
  • At dalubhasang propesor ng malaking kolehiyo
  • Ang pinagpala sa mundo ang dyaryo at ang pulpito
  • Lahat sila'y nagkasundo na ang tawag sa ganito
  • Ay bahay
  • Maghapo't magdamag silang kakayod kakahig
  • Pagdaka'y tutukang nakaupo lang sa sahig
  • Sa papag na gutay gutay pipiliting hihimlay
  • Di hamak na mainam pa ang pahingahan ng mga patay
  • Baka naman isang araw kayo doon ay maligaw
  • Mahipo n'yo at marinig at maamoy at matanaw
  • Hindi ako nangungutya kayo na rin ang magpasya
  • Sa palagay ninyo kaya ito sa mata ng Maylikha
  • Ay bahay
00:00
-00:00
查看作品詳情
Let's listen to my solo!

37 2 2456

2022-10-13 00:09 realmeRMX3491

禮物榜

累計: 0 5

評論 2