Manghuhula

Napapanisan ka na ba ng laway

  • Napapanisan ka na ba ng laway
  • Sa mga banat ko'y 'di ka makasabay
  • 'Di ka na rin ba mapakali
  • Sa likot ng utak mong nangangati
  • 'Di ako gagalaw kung 'di ka kikibo
  • Hindi ko isisigaw kung 'di mo ibubulong
  • 'Di naman ako manghuhula
  • Sinasaniban ka na ba ng gigil
  • Bakit ang lagkit ng titig mong namimisil
  • Laging may hawak na alak
  • Sa dami mong nilagok
  • Wala pa rin tayong
  • Balak
  • 'Di ako gagalaw kung 'di ka kikibo
  • Hindi ko isisigaw kung 'di mo ibubulong
  • 'Di naman ako manghuhula
  • Lagi na lang bang matatakot sa kung anong kasasangkutan
  • Lalong naduduwag habang numinipis ang espasyo sa pagitan
  • Malay mo naman makaramdam ka ng hindi mo pa nararamdaman
  • Kung tingin mo'y manhid ka na't
  • Nakita mo na'ng lahat ng dapat mong makita
  • Malay mo naman makaramdam ka ng hindi mo pa nararamdaman
  • Kung tingin mo'y manhid ka na't
  • Nakita mo na'ng lahat ng dapat mong makita
  • Hindi ako bibigay kung 'di ka madudulas
  • Hindi ako sasayaw kung 'di ka mangunguna
  • Hindi ko ibibigay kung 'di ka kikibo
  • Hindi ako sisigaw kung 'di mo ibubulong
  • 'Di naman ako manghuhula
  • 'Wag na tayong maglokohan
  • Nagpapatayan na ng ilaw
  • Tayo na lang ang naiwan
  • 'Wag na tayong magbolahan
  • Nagpapatayan na ng ilaw
  • Ako na ngang mauuna
00:00
-00:00
查看作品詳情
Arat duet niyo na hahahaha

31 3 1

2021-4-22 14:50 iPhone 11

禮物榜

累計: 0 0

評論 3