Sayang

Sayang

  • Sayang
  • Ngayon lang tayo nagkatagpo
  • Ngayon na rin magkakalayo
  • Bakit kaya
  • Minsa'y sadyang kay damot ng tadhana
  • O sayang
  • Sana'y nakilala na kita
  • Noong ako ay malaya pa
  • Katulad mo
  • Malayang nasusunod ang puso
  • Sana'y maaaring ibalik ang kahapon
  • At duo'y magisnan na ang pag-ibig mo
  • Sa dalangin ay hinihiling kong
  • Lumakad sanang pabalik ang panahon oh
  • Sana'y maaaring ibalik ang kahapon
  • At iguhit na muli ang nakaraan
  • Sana'y kaya kong baguhing lahat
  • Sa nakalipas nating kasaysayan
  • O sayang
  • Sayang
  • Huling dumating ka sa buhay ko
  • Ang pag-ibig na katulad mo
  • Bakit kaya
  • Minsa'y sadyang kay damot ng tadhana
  • O sayang
  • Pagsuyong ngayon lang dumating
  • Hindi na maaaring angkinin
  • Ng tulad kong
  • Wala nang kalayaan pang umibig
  • Sana'y maaaring ibalik ang kahapon
  • At duo'y magisnan na ang pag-ibig mo
  • Sa dalangin ay hinihiling kong
  • Lumakad sanang pabalik ang panahon oh
  • Sana'y maaaring ibalik ang kahapon
  • At iguhit na muli ang nakaraan
  • Sana'y kaya kong baguhing lahat
  • Sa nakalipas nating kasaysayan
  • Talagang sayang
  • O sayang
  • Sayang
00:00
-00:00
Xem chi tiết bài hát
🍓🍓🍓feel free to join po,🍓🍓🍓 🌝 SAYANG!🌝

82 5 1943

2019-8-27 00:57 OPPOA33w

Quà

Tổng: 0 26

Bình luận 5