Dapat Tama

Dahil sa dulo bawal ang kakamotkamot

  • Dahil sa dulo bawal ang kakamotkamot
  • Sa katanungang harap-harapang iaabot
  • Sinong pinili Pag ang tinta ay humalik sa daliring
  • Siyang ginamit at nagturo na wala ay maibalik
  • Dapat tama
  • Alam natin ang tama 'bat di natin ginagawa
  • Paulit-ulit nalang na ito ang bagong simula
  • Simula ng simula bakit walang natatapos
  • Atras abante lagi pudpod na swelas ng sapatos
  • Ilang beses nangako ilang beses napako
  • 'Bat di natin subukan at tulungan at umako
  • Bumahagi sa bigat na matagal na nating pasan
  • Pag tayo'y nagsama-sama lahat ay malalampasan
  • May masmaayos na bukas para sating mga anak
  • Ang unang hakbang ay piliin ang tamang nakatatak
  • Na pangalan sa balota wag na tayong magpauto
  • Na satin ang kapangyarihan pag tayo ang kumibo
  • Nanggigigil mong itigil ang pag pagsisi sa sutil
  • Na nasa pwestong di kana kilala kapag siningil
  • Sa lahat ng kanyang pangakong patagal ng patagal
  • Kung di tayo kumbinsido wag na nating ihalal
  • Dahil sa dulo bawal ang kakamotkamot
  • Sa katanungang harap-harapang iaabot
  • Sinong pinili Pag ang tinta ay humalik sa daliring
  • Siyang ginamit at nagturo na wala ay maibalik
  • Dapat tama
  • Sa isip at sa salita
  • Dapat tama
  • Lalong lalo na sa gawa
  • Dapat tama
  • Sama-sama nating itama ang mali
  • Dapat tama
  • Nang ang bayan natin makabangon muli
  • Dapat tama
  • Sa isip at sa salita
  • Dapat tama
  • Lalong lalo na sa gawa
  • Dapat tama
  • Sama-sama nating itama ang mali
  • Dapat tama
  • Nang ang bayan natin makabangon muli
  • Dapay
  • Itama natin ang gabay wag na tayong mag reklamo
  • Itaas ang kamay ng gusto ng pag-asenso
  • Balikat na magkaakbay hindi tayo susuko
  • Malakas na boses sabay-sabay mangako
  • Itama natin ang gabay wag na tayong mag reklamo
  • Itaas ang kamay ng gusto ng pag-asenso
  • Balikat na magkaakbay hindi tayo susuko
  • Malakas na boses sabay-sabay mangako
  • Kung walang magpapaloko
  • Wala nang mangloloko
  • Ang mga bontanteng Pilipino ay di mga bobo
  • Lumiyab pag madilim ituwid ang tiwali
  • Di ganon kasimple to di kailangang magmadali
  • Ang tiwalang inagaw sa tao ng maneng-mane
  • Kahit saan natin pilitin at tigna'y maling-mali
  • Umahon sa kahirapan at lumangoy sa kumunoy
  • Kahit ano pang iharang at tumuloy ng tumuloy
  • Pagdating ng eleksyon ito ang dapat na panata
  • Isulat ang kung sino ang talagang sa tingin mo'y tama
  • At sa araw na napakabihira lang dumaan
  • Dapat sa may katuturan wag kang mag-aalangan
  • Na hawakan ang lubid na siyang nagsisilbing tulay
  • Gisingin natin ang tulog tuloy tuloy na mag-ingay
  • Nang malaman ng lahat sumugaw sabay-sabay
  • Kinabukasan ng bayan ay na sating mga kamay
  • Dahil sa dulo bawal ang kakamotkamot
  • Sa katanungang harap-harapang iaabot
  • Sinong pinili Pag ang tinta ay humalik sa daliring
  • Siyang ginamit at nagturo na wala ay maibalik
  • Dapat tama
  • Sa isip at sa salita
  • Dapat tama
  • Lalong lalo na sa gawa
  • Dapat tama
  • Sama-sama nating itama ang mali
  • Dapat tama
  • Nang ang bayan natin makabangon muli
  • Dapat tama
  • Sa isip at sa salita
  • Dapat tama
  • Lalong lalo na sa gawa
  • Dapat tama
  • Sama-sama nating itama ang mali
  • Dapat tama
  • Nang ang bayan natin makabangon muli
  • Dapat tama
00:00
-00:00
ดูรายละเอียดเพลง
chorry na po agad.. 😂 pakompleto nalang

99 4 1

2019-3-1 23:46 vivo 1804

ชาร์ตของขวัญ

รวม: 0 13

ความเห็น 4