Sirena

Ako'y isang sirena

  • Ako'y isang sirena
  • Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda
  • Ako'y isang sirena
  • Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba
  • Drum na may tubig ang sinisisid
  • Naglalakihang mga braso sa akin dumidikdik
  • Drum na may tubig ang sinisisid
  • Sa patagalan ng paghinga sa'kin kayo ay bibilib
  • Simula pa no'ng bata pa ako
  • Halata mo na kapag naglalaro
  • Kaya para lahat ay nalilito
  • Magaling sa Chinese garter at piko
  • Mga labi ko'y pulang pula
  • Sa bubble gum na sinaba
  • Palakad lakad sa harapan ng salamin
  • Sinasabi sa sarili ano'ng panama nila
  • Habang kumekembot ang bewang
  • Mga hikaw na gumegewang
  • Gamit ang pulbos na binili kay aling bebang
  • Upang matakpan ang mga pasa sa mukha
  • Na galing sa aking ama
  • Na tila di natutuwa sa tuwing ako'y nasisilayan
  • Laging nalalatayan
  • Sa paglipas ng panahon ay di ko namamalayan
  • Na imbes na tumigas ay tila lalong lumalambot
  • Ang puso kong mapagmahal
  • Parang pikit matang kulot
  • Ako'y isang sirena
  • Kahit anong sabihin nila ako ay ubod ng ganda
  • Ako'y isang sirena
  • Kahit anong gawin nila bandera ko'y di tutumba
  • Drum na may tubig ang sinisisid
  • Naglalakihang mga braso sa akin dumidikdik
  • Drum na may tubig ang sinisisid
  • Sa patagalan ng paghinga sa'kin kayo ay bibilib
  • Hanggang sa naging binata na ako
  • Teka muna mali dalaga na pala 'to
  • Pero bakit parang lahat ay nalilito pa rin
  • Ano bang mga problema nyo
  • Dahil ba ang mga kilos ko'y iba
  • Sa dapat makita ng inyong mata
  • Sa tuwing nanonood ng liga laging natutulala
  • Kahit di pumasok ang bola ako'y tuwang tuwa
  • Kahit binaliw na sa tapang kasi ganun na lamang
  • Akong paluin ng tubo kahit kinakalawang
00:00
-00:00
View song details
sirena

17 0 3713

2021-11-15 21:39 vivo 1907

Gifts

Total: 0 3

Comments 0