Ganid

Ang dami dami dami dami dami dami ng

  • Ang dami dami dami dami dami dami ng
  • Lalapit lapit kahit pangit mga katimang
  • Gagamit gamit ng sabit di akalain na
  • Kapit sa anit ng langit ang pagkaganid nya
  • Ang dami dami dami dami dami dami ng
  • Lalapit lapit kahit pangit mga katimang
  • Gagamit gamit ng sabit di akalain na
  • Kapit sa anit ng langit ang pagkaganid nya
  • Dami-dami dami-dami mo namang mga taga hanga
  • Talented ka pala
  • Hindi lang sa battle hanep din sa kanta
  • May manager ka na ba
  • Grabe na talaga dapat nga may sarili ka ng
  • Billboard sa edsa
  • Mga guesting kay vice ganda
  • Wag ka mag aalala
  • Ako mag pa-paikot ng pera
  • Taga ipon ng benta
  • Para di ka makalimot ako ang taga bilog ng petsa
  • Maraming hahangaan
  • Taga higop ng pwersa
  • Lagare bakal
  • Taga ikot ng fiesta
  • Taga bayad ng payola
  • Taga hilot ng pyesa
  • Hahamigin lahat ng nakapalibot sa mesa
  • Kabisado ko na ang lahat ng pa-sikot sikot ng
  • Naka-kahilong sistema
  • Kaya kung ako sayo
  • Wag ka na mag pa bebe pa
  • Bibigyan kita ng bagong cellphone na may camera
  • Para makapag selfie ka
  • Orig na mga damit walang replika
  • Tapos dadalhin kita sa america
  • Ipapakolab kita kay fetty wap
  • International mala jose rizal
  • Talagang heavy-gat
  • Galawang demi-God
  • Kahit kailan hindi ka na mag pe-pedicab
  • Hatid sunod ka ng kotse sa hellipad
  • Kung ayaw mo parin pumayag edi wag
  • Ang importante dapat happy ka
  • Papa-lakasin pa kita parang makina
  • Basta pirmahana mo lang to lahat
  • Bawat pahina wag mong basahin ha
  • Ang dami dami dami dami dami dami ng
  • Lalapit lapit kahit pangit mga katimang
  • Gagamit gamit ng sabit di akalain na
  • Kapit sa anit ng langit ang pagkaganid nya
  • Ang dami dami dami dami dami dami ng
  • Lalapit lapit kahit pangit mga katimang
  • Gagamit gamit ng sabit di akalain na
  • Kapit sa anit ng langit ang pagkaganid nya
  • May pera ka daw na
  • Dumating nitong martes
  • Kaso lang sa
  • Sang daan ni
  • Taguro bibiyak pa
  • Ng trenta
  • Si ginoong Valdes
  • Wala na atang
  • Mas lulupit
  • Mang iipit sa gitna
  • Ng mga guhit kudlit gitling at tuldok kuwit
  • Talagang halatang mang uumit
  • Puro hit pano pato maitutuwid
  • Naglagay ka sa plato ng puro hit
  • Kaso platito lang ang bumalik
  • Para makuha mag makaawa ka muna ng may matang nag tutubig
  • Para-iso para sa
  • Mga gara-pata ang ulo lang ay paa tsaka pata
  • Pagka-kita nila sakin na bata pa
  • Swak sa kasa kahit nilagyan ng atsara
  • Kumapit sa kamay gumapang hangang siko
  • Hindi mo makikita sa kapal ng balahibo
  • Ngunit amoy ko agad ang pangnginatis na motibo
  • Di porket asal askal hindi na matalino
  • Ako ay napasugod
  • Apat na sulok ng kwarto ang aking nasuyod
  • Huli ko sila sa akto hubo't hubad sa kumot
  • Nagpapaligsahan mga kuto at surot
  • Puro asungot ang nakakasalamuha
  • Eto ba ang nakukuha sa pag lalakad sa lupa
  • Pakiusap tirhan nyo ko ng dugo
  • Binigyan ko kapiraso
  • Tinangay pa yung buo
  • At kung na-kaisa ka man sa-akin
  • Ma-aaring nakachamba
  • Dinila-ng paa na lang baka nakakalimutan mo na
  • Mas mabilis ang karma
  • Ang dami dami dami dami dami dami ng
  • Lalapit lapit kahit pangit mga katimang
  • Gagamit gamit ng sabi di akalain na
  • Kapit sa anit ng langit ang pagkaganid nya
  • Ang dami dami dami dami dami dami ng
  • Lalapit lapit kahit pangit mga katimang
  • Gagamit gamit ng sabi di akalain na
  • Kapit sa anit ng langit ang pagkaganid nya
  • Kailangan na natin magising
  • Sa kanilang mga balak na maitim
  • Panay hassle na mga processing
  • Panay promise sa mga promising
  • Tsaka aanhin ko yang photoshoot
  • Sa magazine
  • Kung yung pera ko wala parin
  • Bakit tila di madinig ang mga daing
  • Di ko narin alam ang aking gagawin
  • Nakakapraning
  • Mga magnanakaw ng palihim
  • Mga mandarambong na may marketing
  • Ang mga sakim tumitira habang walang nakatingin
  • Di ko napapansin na yung publishing
  • Naibenta na pala nila sa magic sing
  • Wala manlang kinita ni katiting
  • Kusino kusinera sya padin nakatikim
  • Ngayon bilang magulang
  • Halos lahat ng raket ay pinapatulan
  • Sumasakit lalamunan
  • Ngunit ang aking kinikita
  • Tila ba kulang
  • Tanghalian hapunan
  • Sardinas ang ulam
  • Sino nga bang di mabibilaukan
  • Sa di mabilang na utang
  • Nag tatanong sa kapalaran
  • Bakit pinag damutan
  • Gusto ko ng makalabas sa aking pinapasukan
  • Layasan ko kaya tignan ko kung di matauhan
  • Dapat matagal ko na silang pinakasuhan
  • Di manlang sinapatusan
  • Di manlang pinabaunan
  • Ang kapal ng mga muka
  • Di ko to sinangayunan
  • Isa sa pinaka unang pinangakuan
  • Kinalaunan
  • Daig pa ko ng binalatuhan
  • Pinag planuhan ng mga pasistang dayuhan
  • Oportonistang madupang sa kanilang bakuran lang pala
  • Mapupunta lahat ng aking pinag paguran
00:00
-00:00
Lihat butiran lagu
Galet yarn?

24 2 1

2021-5-29 13:42 samsungSM-J120H

Carta hadiah

Jumlah: 0 4

Komen 2