Sinungaling

Sinungaling ka sinungaling ako

  • Sinungaling ka sinungaling ako
  • Sino nga ba sa atin ang nagsasabi ng totoo
  • Sinungaling ang simbahan sinungaling ang gobyerno
  • Sinungaling pag sinabing di to galing sa kwaderno
  • Sinungaling ang radyo sinungaling ang dyaryo
  • Baradong inidoro sinong galing sa banyo
  • Mahirap malaman kung sino saatin ang
  • Tapat sapagkat para sakin sinungaling ang lahat
  • Sinungaling ang nag presyo sa resto ng tapsi
  • Sinungaling ang tsuper pati yung metro ng taxi
  • Sinungaling ang kasintahan anak ng
  • Tinapa sabi nya ikaw lamang at wala ng iba pa
  • Kasama nya yung sinungaling mong tunay na
  • Kaibigan na dadamay sa'yo hanggang sa hukay mo sa libingan
  • Pano mong malalaman ako'y nanloloko
  • Lamang sinungaling ako at yun ang katotohanan
  • Kahit na sarili ko di ko
  • Mapagkatiwalaan di ko rin alam kung sinong papaniwalaan
  • Sino ang tapat sino ang di totoo sino sino sinungaling ako
  • Kasinungalingan sa kaliwa't sa kanan makinig ka muna upang
  • Mapaliwanagan kung walang tapat sayo ikaw ay
  • Aking tatapatin sino sino sinungaling ka rin
  • Meron akong kwento isa daw syang henyo
  • Kaya pala kase mahilig sya mag imbento
  • Bawat may makilala may panget na komento
  • Pero pag kaharap parang galing sa kumbento
  • Makamandag kase dila ay hawig sa ahas
  • Dahilan para kagatin ni eba ang
  • Mansanas ngunit ako'y matalas
  • Wala na syang takas alam na
  • Namin na di sya lumalaban ng patas
  • Mag ingat ka na rin may balak syang maitim
  • Alam ko'y ahas lang ngunit tao'y nagbabalat na rin
  • Ibat iba ang hugis at kulay
  • Sa pag sisinungaling sya nabubuhay
  • Pagkakaibigan ang binayad tapos ito ang sukli ko
  • Dapat ka lang sa dilim kase ang itim ng budhi mo
  • Lumayo ka sakin wag mo kong kausapin
  • Alam mo na ayoko sa lahat ay sinungaling
  • Kahit na sarili ko di ko
  • Mapagkatiwalaan di ko rin alam kung sinong papaniwalaan
  • Sino ang tapat sino ang di totoo sino sino sinungaling ako
  • Kasinungalingan sa kaliwa't sa kanan makinig ka muna upang
  • Mapaliwanagan kung walang tapat sayo ikaw ay
  • Aking tatapatin sino sino sinungaling ka rin
  • Isipin mo na nasa gubat ka ika'y giniginaw
  • 'Di mo alam ang daan palabas ika'y naliligaw
  • May dalawang daanan kaliwa at kanan
  • Mayron dalawang nakabahag na nakaharang
  • Yung isang daan papunta sa kabihasnan
  • Yung isa naman papuntang kapahamakan
  • Yung isang nakabahag laging nagsisinungaling
  • Yung isa naman tapat pero isipin mo pa rin
  • 'Di mo alam kung sino sa kanila ang huwad
  • Magkamukhang magkamukha parehas pang nakahubad
  • Isang tanong lang ang pwede mong itanong sa kanila
  • Para makalabas sa gubat at makapag pahinga
  • Ang sagot sa tanong na 'to ay palaisipan
  • Kung gusto mong matuklasan nasa papel ng CD 'yan
  • P'ano mo malalaman na ako'y nanloloko lamang
  • Sinungaling ako at yun ang katotohanan
00:00
-00:00
查看作品詳情
Come to join my duet!

18 0 1

2020-10-18 20:17 红米6A

禮物榜

累計: 0 0

評論 0