Soulmate

Kaya pala ganon

  • Kaya pala ganon
  • Parang tinadhana nga ng panahon
  • Lahat lahat ay gagawin
  • Araw Araw sasambitin
  • Kaylan may ako'y sayo parin
  • Nagi sag pro
  • Lagi akong Nasasaktan Pero di ko inakala
  • Kaya pala ganon dahil sayo ko tinadhana
  • Bago ka makilala tila ilang bundok pinala
  • Daming Dagat na nilangoy buong mundo aking ginala
  • Upang Ika'y matagpuan at aking makamtan
  • Ikaw ang premyo ko matapos ilang beses masaktan
  • Dahil sayo muling nabuhay sakin salitang tiwala
  • Kung hinala mong mahal kita tama ang yong hinala
  • Sa Daming naglipana na pwedeng mahalin
  • Sipag akong ibigin ka at di ako tatamarin
  • Dahil ikaw ang salarin kung ba't nagmamahal ako
  • Kaya dapat mong alamin ako'y magtatagal sayo
  • Ako'y Nilalaro't Biniro ng tadhanang malupet
  • Ang puso kong binibigay binabalik saking punet
  • Ngunit ako ay makulet Nagmamahal ulet
  • Ayos lang dahil sa kabila ng lahat
  • Ikaw ang kapalet Love it
  • Kaya pala ganon
  • Parang tinadhana nga ng panahon
  • Lahat lahat ay gagawin
  • Araw Araw sasambitin
  • Kaylan may ako'y sayo parin
  • At kung magtatanong
  • Kung kaya ba na limutin ang noon
  • Parang di pa nasaktan
  • Nagmamahal Ng bago lang
  • Iibigin Kita ng ganon
  • Dito sa mundong ito ang mga tao ay bilyon
  • Ang magkita tayong dalawa planado satin yon
  • Ng ating panginoon Ngunit bakit pinatagal
  • Nya pa to bago kita makaharap aking mahal
  • Siguro Nga tayo'y kanyang sinusubukan
  • Magkikita din tayo basta wag natin syang sukuan
  • Binigay nya tayo sa iba upang tayo'y tulungan
  • Para pag nasaktan tayo meron tayong matutunan
  • At merong makukunan ng aral at isipin
  • Na nating maigi kung sino ang iibigin
  • At sinong pipiliin ng puso mong sawa na
  • Masira at umasa kang ito'y magagawa pa
  • Dahil kung hindi ka nagkaron ng pangit na alaala
  • Di ka mag-iingat at hindi mo ko makikilala
  • Kaya pala ibinigay nya muna tayo sa iba
  • Para sa hule handa na tayo sa isa't-isa
  • Kaya pala ganon
  • Parang tinadhana nga ng panahon
  • Lahat lahat ay gagawin
  • Araw Araw Sasambitin
  • Kaylan may ako'y sayo parin
  • At kung magtatanong
  • Kung kaya ba na limutin ang noon
  • Parang di pa nasaktan
  • Nagmamahal Ng bago lang
  • Iibigin Kita ng ganon
  • Ang matagpuan kita hindi rin madali
  • Natutunan ko dapat pala wag kang magmadali
  • Dahan-dahan sa pagmamahal nang di ka masawi
  • Dahil ang taong para sayo kusang magagawi
  • Dyan sa buhay mo biglang magku-krus inyong landas
  • Dun mo madadama pag-ibig na kakaibang antas
  • Sya ang tanging kahinaan mo at tangi mong lakas
  • Pag-ibig na wagas hindi magwawakas
  • Sa wakas natupad na aking ambisyon
  • Dahil natagpuan ka na tapos na aking misyon
  • Ako'y kumapit sa pagtitiis at pagsisikap ko
  • Nung nakilala ka doon natapos paghihirap ko
  • Saking mga nakaraan wala na kong hinanakit
  • Ako'y nagpapasalamat sa kanilang pananakit
  • Dahil sila naging tulay upang ika'y matagpuan
  • Ikaw ang aking bahaghari pagtapos ng tag-ulan
  • Anuman pinagmulan ng inyong nakaraan
  • Wag kayong susuko dahil may taong nakalaan
  • Para lamang sa inyo sila ang magpapagaan
  • Sa kalooban nyo kahit gano kabigat nakadagan
  • At ang mga sugat sayong puso di na nya dadagdagan
  • Dahil ang masaktan ay masakit talaga alam nya yan
  • Dahil kung di kayo parehas nasaktan hindi kayo
  • Magkakatagpo at sa huli 'di magiging kayo
  • Kaya payo ko sayo pasalamatan ang noon
  • Kaya ka nabigo noon may plano ang panginoon
  • Lagi mo syang tinatanong kung bakit nagkaganoon
  • At yung soulmate mo wala pa san ba sya naroroon
  • Kalma lang maghintay ka lang darating din 'yon
  • At ang iyong pagdarating malamang hinihintay din non
  • Kayo'y parehas lang naghihintay ng pagkakataon
  • At malay mo sabay kayong nakikinig sakin ngayon
  • Kaya pala ganon
  • Parang tinadhana nga ng panahon
  • Lahat-lahat ay gagawin
  • Araw-araw sasambitin
  • Kailan man ako'y sayo pa rin
  • At kung magtatanong
  • Kung kaya ba na limutina ng noon
  • Parang di pa nasaktan
  • Nagmamahal ng bago lang
  • Iibigin kita ng ganon
00:00
-00:00
查看作品详情
Come to join my duet!

74 4 1

2022-5-8 18:24 iPhone 13 Pro Max

礼物榜

累计: 0 1

评论 4