Apatnapung Bara

Ikaw nanaman diba kalalabas mo lang

  • Ikaw nanaman diba kalalabas mo lang
  • Kung magsulat ka ng kanta para bang papasko lang
  • Tila lupang di tigang sa letra mong bilang
  • Walang tigil sa pag agos pinapadulas mo lang
  • Di naman super lolo pero bakit sumasabog
  • Ang lahat ng kuha mo kahit di makapal ang apog
  • Pinag manhik manaog ibang klaseng tagalog
  • Parang altapresyon sa kumakapal na batok
  • Tapos na ang biruan walang pala palabok
  • Wag kang gumamit ng baldeng butas sa pag salok
  • Magpahagod pagnapagod paghumagok magpadagok
  • Laging handa sa pagsusulit kahit walang pasok
  • Ang bata na inaral ang Aba Ka Da
  • E Ga Ha I La Ma Na
  • Nga O Pa Ra Sa Ta U Wa Ya
  • Kung di makasabay sa aking makakaya
  • Bumaba ka sa aking pasada Mama para
  • Ibalik ang bayad sumayad ang speaker sa lakas
  • Ng tunog lumubog ang mga mapangahas
  • Na humahamig kahit na hangin lang ang kinahig
  • Nag uunahan sa pagdampot ng putik at ipahid
  • Ako ang magaling palaging sinisigaw
  • Sa loob ng kaing na may kalburo ang manggang hilaw
  • O kandilang tunaw o itak na bingaw
  • Pagpinagsama natin ang dalawa oo ikaw
  • Matagal tagal narin po akong nagtatampisaw
  • Sa tubig na kung minsan ay parang kanal sa hangin
  • Kaya may oras na parang gusto kong bumitaw
  • Ngunit salamat sa hindi nagdadala sa akin
  • Pero aaminin ko nakakapanghinayang
  • Lisanin ang trabaho na kailangan mong tibayan
  • Ang mukha mo ito'y bago kabisado na tula to
  • Sa mukha mo itaya mo patipato ano kamo
  • Bawat CDng nabenta mo wala pang limampiso
  • Ang babalik sayo teka wala kang benepisyo
  • Pero ayos lang kasi ito ang yong pinagdasal
  • Di man kasing bango ng lahat ng nahahalal
  • Mga nakakadinig sila ang sumatutal
  • Pagkakataong humukay ng panibagong bukal
  • Na humuhubog sa isip ng mga batang may pangarap
  • Kahit anong mangyari wag kang bibitaw sa yakap
00:00
-00:00
Xem chi tiết bài hát
Eto na talaga last na. haha

56 1 1865

2020-12-6 11:14 HUAWEIJKM-LX2

Quà

Tổng: 0 2

Bình luận 1