Senaryo

Ako ngayo'y nakapikit

  • Ako ngayo'y nakapikit
  • Samu't saring mga bagay ang naiisip
  • 'Di mapigilan ang sarili na maghangad
  • 'Di sa tinatamad
  • Ito ang aking paraan upang agad-agad
  • Na maranasan ang iba't ibang karanasan
  • Ako'y nalilibang sa gan'tong gawi
  • Ako'y nauuwi sa labis na pagngiti
  • 'Lagi na lang ganito
  • Kailan kaya magpapakatotoo
  • Sa nararamdaman ng aking puso
  • Sa panaginip 'laging naiinip
  • Hindi mawari laman ng isip
  • Kada susulyap 'laging may hadlang
  • Kaya aking idinadaan sa pagpapantasya
  • Hanggang hanggang hanggang
  • Kailan ba 'ko maglalaan ng oras
  • Sa kakaisip ng mga senaryo
  • Hmm
  • Ipinagkait ng sansinukob
  • Mga tanyag ba na maari kong maging sagot
  • 'Di 'pag nababagot
  • Ibabaling na naman sa pagsuot
  • Ng mapanlinlang na imahinasyon
  • Sa palaisipan walang puhon
  • 'Di maiwasan kahit pa na labanan
  • Makakailan pa bang
  • 'Lagi na lang ganito
  • Sana'y mga gusto'y maging totoo
  • Sa takdang panahon
  • Ako'y makakaahon din
  • Sa panaginip 'laging naiinip
  • Hindi mawari laman ng isip
  • Kada susulyap 'laging may hadlang
  • Kaya aking idinadaan sa pagpapantasya
  • Hanggang kailan ba 'ko
  • Magpapauto sa sariling mundo hanggang hanggang
  • Kailan ba 'ko magpapauto sa sariling mundo
  • Oh-oh-oh whoa-oh
  • Kailan ba 'ko magpapauto sa sariling mundo
00:00
-00:00
查看作品詳情
Let's listen to my solo!

59 2 3718

11-10 00:29 iPhone 11

禮物榜

累計: 0 4

評論 2