Ako Naman Muna

Kada hakbang sa lupa'y para akong inaalon

  • Kada hakbang sa lupa'y para akong inaalon
  • Nalulunod sa batikos ng mundo
  • Sa kung ano lamang ang kaya ko
  • Pigang-piga na sa mga problemang 'di masolusyonan agad
  • Parang wala ng bukas
  • Pwede bang umiwas
  • Hinahanap ang sarili ngunit
  • 'Di na kakayanin sa ligaw na dinadaanan ko
  • 'San na 'to patungo
  • 'San na 'ko patungo
  • Dahan-dahan nating simulan muli ang pag-hakbang
  • Dahan-dahang tumingin sa salamin
  • Upang makita ang ating kagandahan
  • Dahan-dahang iangat ang mukha
  • Upang masilayan ang payapang kalangitan
  • Oo pagod ka na
  • Pero 'di ka nag-iisa
  • Kaya't lumaban ka
  • At sabihing
  • Ako naman muna
  • Kada langhap sa hangin pansin ko na lagi nalang usok
  • Walang malinis halos puro polusyon
  • Parang ako raw na konsumisyon
  • Gulong-gulo ang isip 'san ba lulugar kapag nag-kamali
  • Grabe sila manghusga
  • Bakit perpekto ba sila
  • Huminga ka ng malalim at isipin ng mabuti
  • Ang mga desisyong ilalaan
  • Para sa kinabukasan
  • Nang makapunta sa
  • Paroroonan
  • Kung dahan-dahan nating simulan
  • Muli ang pag-hakbang
  • Dahan-dahang tumingin sa salamin
  • Upang makita ang ating kagandahan
  • Dahan-dahang iangat ang mukha
  • Upang masilayan ang payapang kalangitan
  • Oo pagod ka na
  • Pero 'di ka nag-iisa
  • Kaya't lumaban ka
  • At sabihing
  • Ako naman muna
  • Ako naman muna
  • Huwag papalamon sa lungkot
  • Huwag hahayaang malugmok
  • Ang puso mo sa ibabato sa'yo ng iba
  • Tandaan mong sapat ka
  • Dahan-dahang tanggalin ang maskara at
  • Hayaang tumulo ang bumabadyang mga luha
  • Dahan-dahang iangat ang mukha upang
  • Masilayan ang mga taong ika'y pinapahalagahan
  • Oo pagod ka na
  • Pero 'di ka nag-iisa
  • Kaya't lumaban ka
  • At sabihing
  • Ako naman muna
  • Ako naman muna
00:00
-00:00
Lihat rincian lagu
Ako naman muna

54 3 5053

2021-6-8 15:32 realmeRMX2195

Tangga lagu hadiah

Total: 0 90

Komentar 3