Titibo-tibo

Elementary pa lang napapansin na nila

  • Elementary pa lang napapansin na nila
  • Mga gawi kong parang hindi pambabae e kasi
  • Imbes na Chinese garter laruan ko ay teks at jolens
  • Tapos ka-jamming ko lagi noon mga sigang lalaki sa amin
  • Nung ako'y mag-high school ay napabarkada sa mga bi
  • Curious na babae na ang hanap din ay babae
  • Sa halip na makeup kit bitbit ko ay gitara
  • Tapos pormahan ko lagi ay long sleeves na tshirt at faded na lonta
  • Pero noong nakilala kita nagbagong bigla ang aking timpla
  • Natuto ako na magparebond at mag-ahit ng kilay at least once a month
  • Hindi ko alam kung anong meron ka na sa akin ay nagpalambot nang bigla
  • Sinong mag-aakalang lalake pala ang bibihag sa tulad kong tigreng gala
  • Kahit ako'y titibo-tibo
  • Puso ko ay titibok-tibok pa rin sa'yo
  • Isang halik mo lamang at ako ay tinatablan
  • At ang aking pagkababae ay nabubuhayan
  • Na para bang bulaklak na namumukadkad
  • Dahil alaga mo sa dilig at katamtamang
  • Sikat ng araw-araw mong pag-ibig
  • Sa'king buhay nagpapasarap
  • Nung tayo'y nag-college ay saka ko lamang binigay ang matamis na oo
  • Sampung buwan mong trinabaho
  • Sa halip na tsokolate at tipikal na mga diskarte
  • Nabihag mo ko sa mga tula at sa mga kanta mong pabebe
  • Kaya nga noong makilala kita alam ko na agad na mayroong himala
  • Natuto akong magtakong at napadalas ang pagsuot ng bestidang pula
  • Pero di mo naman inasam na ako ay magbagong tuluyan para patunayang
  • Walang matigas na tinapay sa mainit na kape ng iyong pagmamahal
  • Kahit ako'y titibo-tibo
  • Puso ko ay titibok-tibok pa rin sa'yo
  • Isang halik mo lamang at ako ay tinatablan
  • At ang aking pagkababae ay nabubuhayan
  • Na para bang bulaklak na namumukadkad
  • Dahil alaga mo sa dilig at katamtamang
  • Sikat ng araw-araw mong pag-ibig
  • Sa'king buhay nagpapasarap
00:00
-00:00
ดูรายละเอียดเพลง
Let's hear it!

66 1 2313

2020-7-24 17:30

ชาร์ตของขวัญ

รวม: 0 2

ความเห็น 1

  • Evelyn 2020-7-24 19:43

    so much love for your songs