Cerberus

Sige pumasok ka sa loob ng aking utak utak utak ko

  • Sige pumasok ka sa loob ng aking utak utak utak ko
  • Sige bilisan mo pa hanggang
  • Sa madapa kasi ang kupad kupad mo
  • Takbo para 'di ka maabutan kinikilabutan kinatatakutan mo
  • Kapag nahuli ka patay kang bata ka na
  • Para bang nakunan sa sinapupunan uh
  • Isa dalawa tatlo kilala bilang mga sira ulo
  • Halatang inakala ng iba
  • Na 'di makapangyarihan ang mga ginayuma
  • Wasak ang mga talukap ng mga masangsang na alamang
  • At talangkang walang alam at halatang nagtatakang naghahatakan
  • Ng pababa ng pababa lang hanggan sa hangganan ng walang hanggan
  • Puro mga inggitero na bagot oo mga feelingerong nayamot
  • Pano niyo ko hihilahin sa balong malilim
  • E hin'di niyo nga ko maabot
  • Bratatatatatara
  • Bang o 'di ba nakakatakot
  • Pagkat 'di nyo matatakasan ang boses ng kabataan
  • Kapag sure hit na ang mga pasabog
  • Sino ba yan sinubaybayan at sinabayan nanaman ng buong sambayanan
  • Kahit gago makabago makatao at makatarungan eto na si abra tantananan
  • ''di man katangkaran pero nakayanang umakyat sa pedistal at gumawa ng himala
  • Binatang makatang matinik na kakaiba talaga mag isip miski maliit
  • Ang dami paring mga tumitingala braaaa
  • Sige pumasok ka sa loob ng aking utak
  • Pwede mo itong ihalintulad sa isang higanting pintuang 'di mo maitulak
  • Tignan mo itsura 'di mo masikmura parang ginawa mo inumin ang suka
  • Wag kang umasa na mangyari magka chansa ka sakin
  • Kasi distansya natin
  • Bituwin at lupa
  • Libu libong sinagupa binaon parang basura pinipicturan ko muna
  • Bago ilibing sa lupa primitimong lirisismo pipilitin kong pihitin
  • Kung tingin mong kiliti mong imposible kong makuha pilipinong sining
  • At literaturang hinaluan ng mga bara na parang hiroglipiko masulat
  • Mga titik na inipon at sinukat ay nagiging ipo ipo
  • Pag hin'di ko naisuka
  • Pag ako nagalit
  • Papaupuin kita sa dala ko na karet
  • Ako si kamatayan bumaba mula sa langit
  • Alam mo ba kung bakit para sindihan ka nang buhay
  • Hanggang sa malapnos ang balat at makalbo ang anit
  • Pag parang kambing na yung amoy
  • Papatayin ko yung apoy palakol ang gamit
  • Sige pumasok ka pa sa loob ng aking utak
  • Hinulma ng usok puyat Kuya Kiko at ni 2pac
  • Susubukan kong unatin at sukatin sa talampakan
  • Upang makita nila lampas bente ang taas
  • Maaring makapasok kaso nga lang pag pintua'y nagsarado siguradong
  • ''di na pwedeng lumabas
  • Sige pumasok ka sa loob ng aking utak
  • Para kang umakyat ng banahaw at naligaw sa gitna ng gubat
  • 'Di mo maintindihan parang dikit dikit na sulat ng doktor
  • Mga kabit kabit na letrang parang tren pinanakbo pa rin
  • Kahit akala ng iba'y kinakalawang ang motor
  • Hawak ko'y tinidor na mula kay Poseidon at Shiva
  • Pag tinamaan nang lintek siguradong may baong matataas na along
  • Kayang lumamon ng isla
  • Salamat ginising mo ang pinakamatangkad sa limang daliri ko
  • Uso ata ang utak at uso pa bato panahong paleolitiko
  • Masdan mo ang sugat sa likod ng larawang
  • Ng mga multong 'di na nagparamdam
  • Dati'y binabahayan ng pula ngayon nama'y binabawi
  • Na ng mga itim na langgam
  • Naramdaman ang nagbabagang lupa mula sa bala ng shaman
  • Nagpatangay sa hangin hanggang sa mapadpad sa patag
  • Na dapat lakaran pag daan ko mga aso kumahol
  • Yung iba ay naglabas ng pala piko asarol
  • Sinubukan nilang hukayin ang lalim
  • Ngunit natagpuan lang nila ay ang kanilang
  • Sariling ataol
  • Tanggalin niyo na muna ang mga muta
  • Sa mata na nakabara hala sige maghilamos
  • Nang makita niyo na mga patay na isda lang
  • Ang sumasabay sa agos
00:00
-00:00
View song details
patawa

74 3 1

2020-7-24 19:26

Gifts

Total: 0 4

Comments 3