Lumuhod Man Ako

Pinag sisisihan lahat ng aking kasalanan

  • Pinag sisisihan lahat ng aking kasalanan
  • Kung di mararanasan di pa mauunawaan
  • Ngayong natagpuan ko ang sagot sa katanungan
  • Mula nang bata pa laman na ng aking isipan
  • Ang bawat payo sa tuwing akoy pagsasabihan
  • Hindi pinapansin kahit alam na kabutihan
  • Nagsakripisyo ginawa lahat ng paraan
  • Upang mabigyan lang ng magandang kinabukasan
  • Halos gumapang sa hirap na nararanasan
  • Hirap na kahit minsan di man lang nasuklian
  • Siyam na buwan mong iningatan sayong sinapupunan
  • Nang mailuwal kahit lamok di marapuan
  • Sagana sa lahat damit magandang laruan
  • Ngunit ng lumaki kung sumagot harap harapan
  • At sumapit na nga ang puntong pagbibinata
  • Na tila hudyat sa pag gawa ng masama
  • Nag umpisa ang lahat ng sinubukang magka syota
  • Si nanay kung utusan dinaig pa ang alila
  • Ganyan pag uugali sino bang matutuwa
  • Ang sarap ng buhay mo ang nanay mo nakaka awa
  • Itim ang budhi ng taong di alam gumalang
  • Magawa ang gusto itataboy pati magulang
  • Mapapatawad pa ba ang sangkaterbang pagkukulang
  • At kasalanan na halos di na rin mabilang
  • Itim ang budhi ng taong di alam gumalang
  • Magawa ang gusto itataboy pati magulang
  • Mapapatawad pa ba ang sangkaterbang pagkukulang
  • At kasalanan na halos di na rin mabilang
  • Magagawang tiisin na maguton si nanay
  • Masunod mo lang ang nobya na lahat ibibigay
  • Pangyayaring kinagulat mo nang siyay humiwalay
  • Mundo moy parang sasabog halos magpakamatay
  • Naisipang tikman ang shabu at mariwana
  • Tuwang tuwa naman mga demonyo mong barkada
  • Si inay di makatulog magdamag nag alala
  • Uuwi ka ng umaga hihingi ka lang ng pera
  • Pag di ka nabigyan sa galit halos magwala ka
  • At sasabihin pa sayong ina na walang kwenta
  • Ang matindi pa tol talagang walang konsensya
  • Halos harap harapan kung murahin ang ina
  • Nang ikaw ay lumayo ang iyong ina ay yumuko
  • Yakap ang larawan mot luha ay tumutulo
  • Ngunit may bagay na lingid sayong kaisipan
  • Ang yong ina pala may tinatagong karamdaman
  • Nang minsan pag uwi si nanay nasa higaan nangyari
  • Ang bagay di mo lubos inaasahan
  • Mata ni nanay pumikit ng dahan dahan
  • Sabay hagulhol at ipinatong sa kandungan
  • Lumuhod man ako at maghapong umiyak
  • Di na maibabalik pa ang kahapon kong winasak
  • Kay hirap pala ang maulila kay inay
  • Magdusa man ako hindi sapat ang aking buhay
  • Lumuhod man ako at maghapong umiyak
  • Di na maibabalik pa ang kahapon kong winasak
  • Kay hirap pala ang maulila kay inay
  • Magdusa man ako hindi sapat ang aking buhay
  • Tuwing akoy nag iisa lagi ko siyang naalala
  • Takbo ng buhay tila nawalan na ng pag asa
  • Parang di ko kaya ang mabuhay mag isa
  • Hinahanap hanap ko pa rin kalinga ng ina
  • Pero ngayong ikay wala na pano na ako inay
  • Sa bawat suliranin sino ang makakaramay
  • Saking buhay sino pa ang gagabay
  • At kailan muling madarama ang yakap mo inay
  • Sa bawat oras si nanay ang laman ng aking isip
  • Pag sapit ng gabi siya ang laman ng panaginip
  • Patawarin ako inay sa aking pagkukulang
  • Ang aking kasalanan pano ba pagdurusahan
  • Ang bigat sa dibdib pano ba mababawasan
  • Hindi na kaya ng nahihirapang kalooban
  • Lagi nalang akong binabalot ng kalungkutan
  • I love you nanay hindi kita malilimutan
  • Lumuhod man ako at maghapong umiyak
  • Di na maibabalik pa ang kahapon kong winasak
  • Kay hirap pala ang maulila kay inay
  • Magdusa man ako hindi sapat ang aking buhay
  • Lumuhod man ako at maghapong umiyak
  • Di na maibabalik pa ang kahapon kong winasak
  • Kay hirap pala ang maulila kay inay
  • Magdusa man ako hindi sapat ang aking buhay
00:00
-00:00
Xem chi tiết bài hát
let's hear it

71 4 1

2020-7-24 18:10

Quà

Tổng: 0 6

Bình luận 4