Eskapo

Kapayapaan sa sarili kailan ko pa ba matatagpuan

  • Kapayapaan sa sarili kailan ko pa ba matatagpuan
  • Araw-araw na lang ang pag-aalala parang wala na siyang katapusan
  • Dumudugo na luha ang mga mata pag ang puso'y sugutan
  • Gusto ko nang lumuha ng dugo para ulo'y gumaan
  • Gusto ko nang matulog bukas ipagpapatuloy ko na lang
  • Baka alam mo ko saan ang tamang daanan pakituro mo naman
  • Kasi gusto kong tingnan kung nasa'n nga ba ang pinagbuhatan
  • Ng kasalukuyan ang hinaharap ay pinangunahan
  • Pinarusahan na bilanggo sa nakaraan na kinamulatan
  • Hindi na rin makapaghintay pa sa pagdating ng kinabukasan
  • Kaya ako ay pumalaot nagpaanod at inabot pa ng bagyo
  • Sumasabog ang mga alon at pinasok pa ang barko
  • Ang kisame ng kabaong ko'y puro kalmot ng kuko
  • Ramdam ko na naman bigla ang ginaw na bumabalot sa buto
  • Naku po
  • Habagat na ang ihip pag malamig magkumot
  • Magdamag nasa isip masasakit na hugot
  • Masamang panaginip ang kalakip ng tulog
  • Kaharap pagkagising mas malaking bangungot
  • Kaya
  • Gusto lang namang kumawala
  • Ng isip kahit pansamantala
  • Pero bakit tila mas lumalala
  • Di ko na alam kung saan ako dinadala
  • Gusto lang namang kumawala
  • Ng isip kahit pansamantala
  • Pero bakit tila mas lumalala
  • Minsan gusto ko na lang na mawala na
  • Huwag kang magpapalimita sa iisang plano
  • Imbis na mainip pag-isipan pa ng maigi kung pa'no
  • Malimit mahilig magbilin sa ibang tao
  • Ngunit tila 'di ko masunod-sunod ang sarili kong payo
  • Katahimikan nakahiligan kapaligiran parang libingan
  • At kahit minsan walang bisita nasa dilim at nakangiti lang
  • Naging pihikan sa pag-ibig maging sa kaibigan
  • Napili kong piitan ay ang sarili kong isipan
  • Kaya maya't maya natataranta sa mga nakaamba na pangamba
  • Kailangan ng pampakalma ayoko nang maalala ang pag-aalala
  • Nakakawala ng gana isip ay parang ibong lumulipad
  • Sa loob ng hawla na gawa sa mga negatibong posibilidad
  • Habagat na ang ihip pag malamig magkumot
  • Magdamag nasa isip masasakit na hugot
  • Masamang panaginip ang kalakip ng tulog
  • Kaharap pagkagising mas malaking bangungot
  • Kaya madalas ay
  • Gusto lang namang kumawala
  • Ng isip kahit pansamantala
  • Pero bakit tila mas lumalala
  • Di ko na alam kung saan ako dinadala
  • Gusto lang namang kumawala
  • Ng isip kahit pansamantala
  • Pero bakit tila mas lumalala
  • Minsan gusto ko na lang na mawala na
  • Minsan lapis at papel ang mas madaling kausap
  • Sakit sa ulo ang sabi ng iba ito'y sakit sa utak
  • Kada gabi nagmamadali na makarating sa ulap
  • Bukas magkatabi na butasng ilong may nakatakip na bulak
  • Balisong sa pulso kwarenta'y singkong nakatutok sa bibig
  • Pero parang gusto ko yung kumot nakapulupot sa leeg
  • Ang gulo ng buong daigdig wala naman yatang gustong makinig
  • Mas masarap pang mamundok kaya magmukmok sa sulok ng pook na liblib
  • Puno ang dibdib ng kawalan ng pag-asa parang kusang sumusuko
  • Ang katawan sa mga pasan na wala nang hupa
  • Para kang sa alcatraz pumuga sa taas ay nakakalula
  • Makaalpas ka man sa mga bara paglabas ay wala nang lupa
  • At kung makatakas ka man mahal mo naman sa buhay ang sasakluhan
  • Nakakabuwang lahat tayo balang araw isa lang ang hahantungan
  • Kapayapaan sa sarili tsaka ko na lang 'to natagpuan
  • Nung ang makitid ko na pag-iisip ang siyang nagawa ko na matakbuhan
  • Gusto lang namang kumawala
  • Ng isip kahit pansamantala
  • Pero bakit tila mas lumalala
  • Di ko na alam kung saan ako dinadala
  • Gusto lang namang kumawala
  • Ng isip kahit pansamantala
  • Pero bakit tila mas lumalala
  • Minsan gusto ko na lang na mawala na
00:00
-00:00
查看作品详情
Come to join my duet!

26 7 1

2022-7-27 01:24 INFINIX MOBILITY LIMITEDInfinix X695

礼物榜

累计: 0 11

评论 7